[Azilli's POV]
Ramdam ko ang malamig na simoy ng kapaligiran sa aking bayan. Nag-iimpake ako sa labas ng tahanan ni lola kasi pinagmamasdan ko ang bayan na aking lilisanin.Sad to say na, aalis na ako dito. Pupunta ako ng syudad para mag-aral ng AT or Advance Technology, syempre para narin makita ko si dad. Kay lola kasi ako nakatira, since na namatay kaagad si mommy.
Mami-miss ko mga tao rito. Except sa pagiging friendly nila, masaya rin sila kasama.
Kaya nga, this year 4019, ay magka-collage na ako.
****
Nagpa-alam na ako kay lola, nasa train station na kasi kami.
Nakikita ko ang bakas ng lungkot at saya sa mukha ni lola. Lola naman eh! Papa-iyakin ako.
Habang paunti-unting uma-andar ang tren, hinahabol ko si lola ng tingin. Napaluha ako pero sumenyas si lola na okay lang ang lahat. She's the best lola in the whole wide world, ever since bata pa ako s'ya na ang kasa-kasama ko. Kaya masakit din na magpaalam sa kaniya.
At nang makalayo na ang tren, hindi ko na rin naman maaninag si lola, umayos na ako ng pagkaka-upo.
Kinuha ko ang aking phone para tawagan si dad, si lola sana ang tatawagan ko pero naalala ko di nga pala yun gumagamit ng phone. Sabi kasi ng doctor, mas lalabo daw mata niya paggumamit siya ng CP.
Ring... Ring... Ring...
"Hello? Azilli, is that you?" Huh? Di mo na kilala anak mo dad. "Nah! I'm just messing with you, how are you?"
Nalulungkot ako pero feeling ko masaya na may takot at kaba tsaka ume-extra ang excitement. Ewan! I'm very sad na I'm leaving lola, but I'm happy to meet dad.
"I'm fine dad. I'll see you in the station?" Hala! Baka isipin ni dad na napaka-makasarili kong anak, di ko man lang s'ya natanong kung okay lang s'ya. Kalma self, don't overthink.
"Sorry sweetheart, Marami-rami akong gagawin eh. Papasundo nalang kita kay Xeth." He said. Ano ba yan? Okay lang na mag-isa lang ako.
"Dad, that guy? No, I can handle myself." I refused to dad.
Xeth Louis Williamson, my worst nightmare. Nung first year highschool namin, kaklase ko s'ya back in Roshnwin High.
Ang kulit-kulit kasi n'ya, sabi n'ya manliligaw daw s'ya. Syempre naman, bata-bata ko pa nun kaya I rejected him. Tapos hanggang ngayon!
"Azilli? Azilli!" Nagulat ako nang sumigaw si dad. "Nakikinig ka ba?"
"Ye... Yes, dad." Tugon ko. "I was just..."
"Let me repeat." Sh*t, nahalata n'ya. "Here at Vermilion City, ibang-iba jan sa probinsya. Masyadong okupado ang lugar. Hindi katulad sa Roshnwin na bilang lang ang tao, dito kahit satellites hindi makuha ang exact na dami ng tao. So please, let him be your escort." Pagpapaliwanag n'ya. Naman kasi eh!
"Sure dad." Pilit ko sagot. As if na makatanggi pa ako.
Ilang oras ang makalipas, finally malapit na ako sa Vermillion. Nakaka-inis!
Okay... Kalma lang. Iisip tayo ng paraan.
Una, bababa ako sa train kasama ang maraming tao, malabo na makilala n'ya ako roon.
Pangalawa, tatakbo ako ng mabilis patungo kung saan. Automatic na magtri-trigger ang second step kapag nakita n'ya ako.
Wooh! Okay.
BINABASA MO ANG
Tale of the Time Keepers
Science FictionTime is precious. Sabi rin ng iba, time is gold. Napaka-halaga ng bawat segundo ng oras, dahil hindi mo na s'ya mababago pang muli. This story is about a girl from the far future who accidentally traveled back in time on the years of prosperity and...