Chapter 3: Lost Civilization

8 3 0
                                    

[Azilli's POV]
Napagdesisyunan ko na paniwalaang panaginip lang ito. Mukha naman kasing panaginip lang.

Since na nasa likuran ako ng isang abandonadong bahay, may naiwang mga damit dito.

Hindi ko nga alam kung damit ito o tela lang mismo.

Isinuot ko nalang siya.

Ano ba toh? Parang basahan.

Naglalakad ako sa gitna nang bayan, at nalaman na hindi ito gawa sa sandstone, gawa sila sa ginto.

Naputol ang pagkamangha ko nang bangaan ako ng kabayo with a wagon. "Move out peasant."

Ayy waw! English.

"Just a second, driver." Utos nung babae sa loob ng wagon. "Ayos ka lang ba?"

Nabigla rin ako nang marinig ang tagalog words n'ya.

Panong nangyari? Nag-aral ka teh ng linguistics? May accent pa yung pagka-english n'ya.

"Uhm... Okay lang poh ako." Tugon ko.

"Interesting, your style of speaking is a combination of tagalog and english." Manghang-mangha si ate. Kinuha n'ya ang libro kasing laki ng box ng pizza. "I'm Asytreth Ziona, ruler of Zāngguan Empire."

"I never heard this Empire before." Pano ko naman malalaman? Eh, panaginip lang toh.

Hindi s'ya sumagot sa statement lang o kaya'y mag-comment. Hmp! Ignorante.

"Come little lady. You seem homeless. Bakit hindi ka muna magpahinga sa palasyo?" Pang-aakit niya. Buti nalang mabait yung reyna. Reyna s'ya di ba? Ruler daw eh.

Sumama ako since na panaginip lang naman toh. Wala sa akin mawawala.

****

Binuksan nung katulong yung napakalaking pintuan na gawa sa platinum na may halong gold as decoration. May mga gems din na nahalo, diamond ata.

Bumungad sakin sa loob ang napakaputing throne room. Hindi naman s'ya actually puti kasi may halong gold, pero overall ang bongga niya.

"Nice throne room." Ani ko. Hindi lang nice dapat wonderful or fantastic yung ginamit kong word.

"This is not the throne room, this is just a Ceremonial Hall." She said. Ahh kaya pala maraming upuan. Kung sa reality, mukha s'yang... Simbahan. "Go, you shall change your clothes."

Pinasamahan niya ako sa isang katulong na babae. Parang fitting room s'ya pero more like a closet na din.

Ibinigay sakin nung maid yung dress na may kulay red and gold. Actually ang kulay lang nung dress ay red at yung mga gold ay accessories lang.

Dumiretso kami nung maid sa throne room ni Asytreth, I mean Queen Asytreth.

"I forgot to ask your name." Sabi ni Queen Asytreth.

Tumango ako. "My name is Azilli Quincy Sygmond."

Nginitian niya lang ako. Tumayo para humarap dun sa napakalaking salamin sa kaniyang likuran. Napatingin na rin ako.

Nagulat ako ng makita ang mga nakatalay na tao na para bang pupugutan ng ulo.

"What's happening?" I suddenly asked.

"Execution, that's what we do to anyone who tries to destroy the empire." Tugon niya. Grabe naman pala tong empire na toh, pero accepted, sinong reyna naman kasi ang gustong bumagsak ang emperyo nila di ba?

Tale of the Time KeepersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon