Chapter 4: Enlightened

10 2 0
                                    

[Azilli's POV]
"Time Travel?" Nagtataka kong tanong.

Napatulala ako ng ipaliwanag ni Teacher Joyce ang nangyari sakin. I mean, muntikan na akong mamatay!

"Let me explain everything about this kind of voyage." Seryosong salita ni Teacher Joyce, tinignan niya ako ng seryoso at napakalalim."Ang teknolohiya noong unang panahon ay nananatiling misteryo sa panahon natin. Kaya... Nagpasya ang BWTD na gumawa ng machine na gagawa ng daan patungo sa nakaraan."

So... Nagre-recruit sila ng mga students para malaman ang mga mysteries ng nakaraan. Hmp! Hindi man lang nila pina-alam, at dahil jan nagtatampo ako kay dad.

"Say, Azilli, Where did you go? I didn't know you can operate such complicated machineries." Sabi ni Lynleen at mukhang gumagawa ng news about me.

"Hindi ko nga alam kung anong nangyari. Basta bigla lang akong napunta dun sa napaka-yaman na lugar." Nanlaki ang mga mata nila ng marinig ang sinabi ko.

"Anong klaseng mayamang lugar?" Agad na tanong ni Teacher Joyce.

"Napakarami nilang ginto, mismong kabahayan ata don ay gawa sa ginto." Tugon ko naman.

Yun, yun di ba? Hayst! Kasi naman tong utak na toh eh, makakalimutin. Ano bang tawag sa sakit na yun? Memory... Deficiency? Napangisi nalang ako ng hindi ko nalalaman. Kaya pala nagtinginan sila sa akin.

"This civilization... Know different kinds of language, correct?" Tanong ni Teacher Joyce. Hmm... Ang naalala ko lang is tagalog and english.

"They use tagalog and english in communication." Nagkibit balikat ako. Hindi ko kasi sure. Makakalimutan nga ako eh.

Tumango nalang si teacher at pinapunta na kami sa dorm namin. Uhm... Actually, hindi ko pa naman alam kung saan yun kaya sumunod nalang ako.

****

Nakarating kami sa napakalaking building with elevator kasi hangang 10th floor s'ya, and bawat floor ay may 5 kwarto, so bali 50 na room ang nasa building na to, tsaka, pang-star students lang tong building. Yung iba nakahiwalay.

Nasa 10th floor kami, pang 48th yung room namin kasi kami yung pangatlong star section. Una kasi ang B. Diamond or Black Diamond, and pumapangalawa ang W. Diamond or White Diamond.

Golden Zircon pala meaning ng G. Zircon. Ngayon ko lang nalaman.

Pagkapasok namin ng dorm, bumungad sakin ang napakagandang sala. Parang modern, with coco style, as in yung pang resort.

Yung couch ay gawa sa kahoy pero parang banig kung tignan pero mas matigas s'ya sa banig, ehh. Hindi naman ito puro kahoy kasi may napakalambot na part na gawa ata sa cotton... Foam pala. Puti yung foam n'ya.

Sa harapan ng couch ay may table na hugis... Ka-hugis s'ya actually ng manga na na-deform lang ng konti. Yung stand n'ya gawa sa gold... Malamang gold-plated ehh. May patungan s'ya sa ilalim ng mga books. Gawa nga pala sa glass yung pinapatungan ng kung ano-anong bagay, gawa sa glass yung table.

May flat screen TV na sa tingin ko, kung sa ruler mo isusukat ay 1 metro ang haba at 3/4 ng 1 metro ang taas.

High ceiling ang room and may chandelier na nakasabit katapat ng coffee table, gold-plated din ito na parang may diamond na nakasabit.

Tale of the Time KeepersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon