[Azilli's POV]
A wonderful greetings! I'm so happy dahil walang nangyari sa katawan ko last night. Kung naalala n'yo, nakatulog ako sa room ni Xeth.Char! I'm happy kasi first day of school ngayon, and nakabihis na ako nang napaka-gandang uniform na na-receive ko kanina pagkagising ko.
Nag-iwan ng sulat si Xeth sa tablet na nakalagay sa table with my uniform.
By the way, ang uniform ko ay puting blouse and black coat. May necktie na red with isang pahilis na black stripe sa lower part nito, and palda is checkered na kulay red and yung mga guhit ay black. Ganda noh? Pang-patay.
Nag-iwan din si Xeth ng pera. Baka nagninigurado? Hmp! Tingin n'ya sakin? Mahirap, duh!
Ayaw ko sanang galawin yung pera niya pero... NAWAWALA ANG WALLET KO!!! Hala! Asan na yun?
Wait lang... Mag-flashback tayo.
****
"Lola, how about you? Okay lang ba talaga kayong mag-isa dito?" Tanong ko.
"Oo naman, mga tao pa kaya rito sa bayan. Aalagaan nila ako dito, kaya sige na." Tugon niya.
Teka nga muna! Parang napasobra flashback ko. Wait lang.
"Wala ka na bang naiwan, nagse-cellphone ka na naman." Paalala ni lola.
"Opo, lola. I'm ready na poh." Pagyayabang ko pa.
Ihh!! Anue ba! Wait lang talaga. Malapit na yun eh. Saang part ba yun nang kahapon ko? Hmm... Ahh! Naalala ko na.
"Hni a io un?" Tanong ni lola.
"Tara na la! Mai-iwan na ako ng bus... Ay bus... Ng train." Hindi sa akin malinaw. Di ko masyadong marinig kasi.
Yan yung part na yun. May sinasabi si lola na hindi ko na-intindihan. Ano nga ba sinabi nun? Hmm...
****
Huh! Naiwan ko sa mesa yung wallet ko. Ano ba yan! Ngayon lang nagsync-in sa utak ko yung tanong niya. Ang tinatanong kasi niya kung akin ba yun. Ang sinabi ni lola ay, hindi ba iyo yun?, Yan yung sinabi ni lola.
Hayst! Ano ba yan, Azilli? You're so tanga.
Pabagal-bagal pa ako ng pagkilos kasi di ko maalala kung bakit ako nag-aayos ng gamit ko.
Naalala ko lang nung makita ang aking sarili sa salamin. Ayy! Sh*t, ma-school nga pala ako.
Nagmadali na ako pababa. Sira yung elevator and occupied yung iba. Hala! Nasa highest floor ako bago mag-rooftop. Anong floor nga ito?
"Ate... Anong floor nga ba ito?" Tanong ko dun sa babaeng dumaan.
"Floor 80, ate. Ayun oh, sa taas ng elevator may nakasulat na 80." Hmp! Ang maldita ni ate.
"Ayy, oo nga. Salamat nalang ate." Natataranta na ako. 80th floor pa ako. Yung limang elevator, isa sira. Yung isa nasa ground floor pa, yung isa di ko inabutan. Yung isa punuan. And yung isa, for VIP.
No choice! Hagdan ang abot ko nito.
Nagsimula akong takbo pababa. Sana di ako mahulog.
Hayst! Finally, nakababa na rin ako sa ground floor. Napabuntong hininga ako sa pagod.
BINABASA MO ANG
Tale of the Time Keepers
Science FictionTime is precious. Sabi rin ng iba, time is gold. Napaka-halaga ng bawat segundo ng oras, dahil hindi mo na s'ya mababago pang muli. This story is about a girl from the far future who accidentally traveled back in time on the years of prosperity and...