Chapter 1
“WHAT?!!! Are you crazy?” napapantastikuhang sabi ni Sheila kay Miles, kasalukuyan silang nasa likod ng gymnasium ng Saint Benilde para pag-usapan ang nalalapit na pagtatapat niya kay Blake, ang lalaking minahal niya ever since highschool palang sila, eto rin ang dahilan kung bakit pinilit niyang makakuha ng scholar sa Saint Benilde to the fact na mahirap lang sila at walang kakayahan ang tita niya na pag-aralin siya sa naturang unibersidad.
“Do I look like im joking? I think eto na yung tamang panahon para sabihin ko kay Blake yung nararamdaman ko right? Wala namang masama sabihin diba? Marami na kong pinalagpas na pagkakataon para saming dalawa ng mahal kong si Blake..”
“You’re crazy.. wala na kong masabi sayo maliban sa isang malaking good luck!” sumusukong sabi ni Sheila sa kanya.
“I know right? Supportahan mo na lang ako sa gagawin ko Shie, please?” nagsusumamong pakiusap niya sa kaibigan.
“Anu pa bang magagawa ko? Speaking of the devil.. ayan na si Blake mo oh..”nakangusong turo ni Sheila kay Blake na naglalakad papunta sa gym. “Go for the kill girl..” pag tsi-cheer pa nito sa kanya.
“Watch me girl..” ani niya sa kaibigan bago dire-diretsong naglakad papunta kay Blake.
This is it.. you’re going to be mine now Blake! I make sure of that!
Papasok na sana si miles sa gym kung saan pumasok si Blake nang mapukaw ang attensyon niya sa lalaking halos sigawan na ang babae sa harapan nito. Kung hindi siya nagkakamali ang lalaking iyon ay si Raicen also known as Ice, a 5th year Civil Engineering Student at isa sa mga campus hearthrob na tinagurian ring campus heartbreaker. Hindi niya maintindihan kung bakit parang wala itong pakielam kung makakasakit man ito ng damdamin ng iba o hindi, hindi naman sa nakikielam siya pero panay niya itong nakikitang nagpapaiyak ng mga babae sa harap nito. hindi na lang niya ito pinapansin pero this time sumosobra na ito at hindi na rin siya nakapagtimpi pa sa paraan ng paninigaw nito sa babaeng nasa harap nito.
“Nakakaintindi ka ba ng tabi dyan? kung ayaw mong nasasaktan ka tatabi ka!” narinig niyang sabi ni Raicen sa babaeng nakaharang sa tapat nito na halos mangiyak ngiyak na ang itsura.
“A-ayoko.. h-hindi ako tatabi, p-pakinggan mo muna ako Ice.” Mangiyak ngiyak na sabi ng babae sa harap ni ice.
“Wala akong panahon sayo, pasensyahan tayo miss kung hindi ka tatabi.” Ani ni Ice sa dalaga at saka ito sapilitang dumaan, dahilan para mabunggo ang babae.
Aba’t ang walang hiya?! Binunggo nga! Ni hindi man lang magsosorry?!
“HOY!! Bakla!!!” nang-gagalaiting tawag niya kay Ice na ikinalaki ng mata ng babaeng kausap ni Ice kanina, pero ang pesteng hudyo nagpatuloy pa rin sa paglalakad na waring hindi siya naririnig.
“HOY kinakausap kitang bakla ka!! Ikaw na naka jersey pula na mei no. 13 sa likod.!” Literal na pagtuturo ni Miles kay Ice dahilan para mapatigil ang huli at humarap sa kanya.
“Ako ba ang tinutukoy mong bakla?!” pagkausap ni Ice sa kanya, his eyes arrayed boredom habang nakatitig ito sa kanya.
“Ikaw nga?! Sino pa ba ang walang modo ditong lalaki na nananakit ng babae at ni hindi man lang marunong mag-sorry?!” sarkasmong sabi niya kay Ice.
BINABASA MO ANG
Taming The Heartbreaker's Heart (Pocketbook Version)
RomancePAUNAWA: Ito po ay Pocketbook version ng taming the heartbreaker's heart.. same concept lang po pero IBANG IBA PO TO SA TAMING SA WATTPAD ENJOY READING.. :) _RamieL