Chapter 8

1K 23 0
                                    

Chapter 8

          MILES have never been this miserable. Ginawa ni Ice ang sinabe nito. Tinapos na nito ang kontrata sa pagitan nila at anu mang ugnayan na meron sila, pinutol nito. It’s been a week simula nang hindi na pumasok si Ice. Ang huling balita niya rito ay nag-drop raw ito. But nobody knows why except her. She wonder kung paano niya nakaya yung isang buong linggo na tuliro at halos wala sa tamang pag-iisip. Halos gabi-gabi niyang iniiyakan ito. Kasalukyan siyang nasa likod nang gym at mag-isa. Hindi niya kasama si Sheila ngayon dahil na rin sa thesis na ginagawa nito kasama ang mga kagrupo nito. Gagawin dapat niya ngayon ang assignment nila sa statistics pero mahigit isang oras na siya roon ay wala pa rin siyang nasasagot. Nakatitig lang siya sa papel niya, na puro pangalan na ni Ice ang nakasulat. She can’t concentrate on her academics. Hindi na niya pwede pang ipagsawalang bahala to. Pero anong magagawa niya? kung puro si Ice na lang ang laman nang utak niya, at ang puso niya, wala nang ibang naramdaman kundi puro sakit dala nang bigong pag-ibig.  

          “Hindi mo masasagutan yan kung tititigan mo lang, at sa nakikita ko, hindi si Ice ang sagot sa dyan.”  Pukaw ni Blake sa attensyon niya na mukhang kanina pa ata nasa likod niya. Simula nang mawala si Ice ay eto na ang palaging nasa tabi niya, like he was comforting her, like he wanted to ease her pain.

          “Oh... ” sabi ni Blake sabay lapag sa mesa nang isang plastic bag. “Hindi ka na naman kumaen.” Patuloy pa ni Blake bago inisa-isang ilabas ang pagkaen sa loob niyon.

          “S-salamat Blake.” Sabi niya bago ngumiti rito, pero ramdam niya na hindi umabot ang ngiti niya rito.

          Umupo ito sa tabi niya bago nito ibinigay ang pagkaen sa kanya. “Kaen tayo.”

          Kinuha niya ang pagkaen rito. “Salamat.”

          “Iba talaga nagagawa ng pag-ibig ano? Pati pinakamatalinong tao naubusan ng word. Kita mo salamat na lang ngayon alam mo.” Biro ni Blake sa kanya.

          Tinawanan niya ito.

          “Ayan ganyan nga Miles, tumawa ka. Hindi pa katapusan ng mundo kahit na nawala pa sayo si Ice. Minsan kailangan nating makilala ang taong hindi para sa’tin para matuto tayo, dahil mei mga maling bagay o desisyon tayong nagagawa.” Seryosong sabi nito habang nakatingin sa coke in can na hawak nito.

          “Mei mali ka na bang nagawa sa buhay mo na pinagsisihan mo Blake?” out of the blue tanong niya rito, tama ito. Learning comes from other people. Nagkamali at natuto siya kay Ice, pero hindi no’n mabubura ang katotohanan na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya rito. She learned from him, she love everything about him, and that was her greatest mistake, ang mahalin ito kahit alam niyang laro lang rito ang lahat, at kahit na alam niyang siya ang matatalo sa huli.

          “Meron” Sagot nito bago pagak na tumawa at tinitigan siya. “Nagkamali ako nang naging desisyon na isuko siya sa kaibigan ko. I blame myself dahil ngayon kasalanan ko kung bakit malungkot siya. Hinayaan ko ang lahat na manyari. Ang tanga ko Miles diba? I let the one I loved to be hurt. Alam kong bangin na ang kahuhulugan niya pero tinulak ko pa siya. Ganoon ako ka-tanga Miles. ”

          Alam niya ang tinutukoy nito. She very well knew who’s the girl he was talking about. Nagtapat ito sa kanya sa 9th avenue nung araw na lasing na lasing ito at siya ang umalalay rito na makasakay sa taxi. Malinaw pa na nakatatak sa utak niya ang mga sinabe nito, lalo na ang tungkol kay Ice.

          “Ngayon kho lang nakita shiyang naging mashaya ng ganun, I’ve been with Ice side since elementary..his mother died when he was born his father on the other hand puro pambabae ang iniintindi, he always keeps saying na ok lhang pero I know him, he needs love and care, at nakikita kong si miles ang nakakapagbigay nun sha kanya.. he may be a bastard at times pero he’s still a child, dinadaan niya sa galit, init ng ulo at kung ano-ano pa lahat.. lagi niyang pinapakita na he can live alone.. kahit shino kelangan ng pagmahahal, kahit ako.. pero mhash deserve niyang mahalin..maloko yun at kung minsan dinadaan sa biro lahat pero sa biro lhang niya nasasabi ang totoong saloobin niya. At hindi niya gusto ipakita ang weaknesses niya kahit nung mga bata pa lhang kame, ganyan na ugali niya.”

Taming The Heartbreaker's Heart (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon