Chapter 2

1.4K 31 0
                                    

Chapter 2

       “LADIES and gentlemen, may I now present to you. ‘The Chaos!’” pagpapakilala ng emcee sa naturang banda kung san kabilang si Ice.

          Chaos? Weird nang name..

          Nagsimula nang mag-strum ng gitara si Ice at kumanta habang nakatitig ito sa kanya.

       “Your kiss, your smile, your mind, You're sunlight in my eyes.. I miss.. your breath.. on my neck, When we whisper in the night”

       Infairness! Ang ganda nga ng boses ni Ice...

       Halos hindi siya makapaniwala sa nakikita at naririnig, ang dakilang heartbreaker ng campus nila eto at pinapakilig ang maraming kababaihan sa boses nito! kung alam lang nang mga babaeng ito kung gaano kasama ang ugali ni Ice tignan lang niya kung ganyan pa din maging reaction nila kay Ice.
         

       natural ganyan pa din! Mga babae ngayon kahit masama na ugali ng lalake sige pa rin.! Tudyo ng isang bahagi ng isip niya.

       Sabagay hindi ko sila masisi, gwapo si Ice, tapos ngayon heto pa malalaman mo ang ganda pala ng boses! Naku Ice, kung naging maganda lang ugali mo baka mas nagustuhan na kita ngayon kaysa kay Blake. Pag-sang-ayon ng isang bahagi naman ng isip niya.

       Agad na ipiniling niya ang ulo sa isip!! She must have gotten nuts!! Pinupuri na niya ngayon si Ice sa isip niya?! And to think na pwede niya itong ipagpalit kay Blake?! OMG! Agad na napainom siya ng tequila mula sa kapwa niya waiter na napadaan sa harap niya at inisang lagok ito, pagkatapos inumin ay saka naman siya inubo.. sino ba naman kasing sira ang iinom ng tequila, isang inuman lang at partida hindi pa siya nainom ng mga ganun.. peste ka talaga Ice.!

          Nakita niyang bahagyang napangisi si Ice, dahilan para magtilian ang mga kababaihan sa bar.

       “I always thought I would stand on my own, Climb a mountain top all alone Relying, depending on no one, Now look at what you've done..”

       “Miles! composed yourself!! Tama na yan!! Trabaho na!! trabaho na!” parang tangang pag kausap niya sa sarili at tsaka nagsimulang magtrabaho.

           -------------------------------------------------------------------- 

          “NICE work everyone, jam packed ngayon ang 9th avenue..” puri ni Aira sa kanilang mga staff.

          “Nice work Miles, first day mo pa lang pero ang galing mo na.. keep it up Miles” masayang puri rin ni Aira sa kanya. “Panigurado matutuwa si boss nito sa’tin.”

          “Hindi din tayo magkakaron ng maraming customer kundi dahil sa chaos! Ibang klase sila, ang ga-gwapo lalo na yung Ice!” Nagtititiling sabi ni Lea—isa sa mga kasamahan rin niya sa trabaho, nagtilian na rin ang iba pa niyang kasamahan. “ou nga grabe ang ganda-ganda ng boses!! Nakakainlove!!! Jusko po!! Pag naging boyfriend ko yun ako na ang pinaka-maswerteng nilalang sa mundo.” Daydream namang sabi ni Chloe— sa rin sa mga kasamahan niya.

          Eh? Pinakamalas kamo?! Pag naging boyfriend mo yun, good luck na lang sayo, tignan ko kung hindi ka maging losyang sa ugali nun! Natatawang sabi na lang niya sa isip-isip niya. tinignan niya ang orasan niya at nakita niyang alas onse na. shoot! Exam ko pa bukas!

Taming The Heartbreaker's Heart (Pocketbook Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon