1

3 0 0
                                    

A I Y A N A

"Mag ayos kana! Padating na yung customer mo!"sambit ni Mamu.

"I'm always ready."sambit ko sabay kindat sakanya.

"Pasalamat ka malakas ka sakin kundi nako hindi kita pagbibigyan na gawin to."mahinang sambit niya saakin. Ngumiti ako sakanya.

"Thank you Mamu."sambit ko sakanya. Umalis na siya sa kwarto at tinignan ko ang suot kong damit.

Isang fitted  silky dress na hindi aabot sa tuhod. I'm an entertainer sa isang sikat na bar dito sa Malate ngayon.

But clarification hindi katawan ang ginagamit ko para mang aliw ng mga customer ko. Kahit papaano ay may utak pa din ako.

"Wow! What's your name beautiful?" tanong nung customer ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at iniscan ko ang mga alahas na suot niya. Mayaman. Jackpot ata ako ngayong gabi.

"The one and only Yana." I said with a seductive voice. Nagsimula siyang amuyin ako at hindi maitatago ang kalaswaan sa mga tingin niya.

"Can I taste you now?"bulong niya sa tenga ko na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

"Bayad muna. That's the policy."sambit ko. Napangiti siya ng malawak at inihiga ako sa kama at pumaibabaw siya sakin.

"Tell me Yana... What do you want? House? Car? Or unlimited cash?"tanong niya. Hahawakan niya sana ako sa dibdib ko pero mas mabilis ako sakanya at isang segundo lang ay nasa ilalim ko na siya at ako na ang nakaibabaw sakanya.

"Just give me what you desired to give me and I'll take you to heaven this night."sambit ko habang binubuksan ang polo shirt niya.

"Yan ang gusto ko. Aggresive!"sambit niya. Dinukot niya yung wallet niya at inabot saakin ang credit card niya. 

"Bilhin mo lahat ng gusto mong bilhin."sambit niya saakin.

"How can I make sure na may laman itong card na ito?"sambit ko at dahan-dahan ko itong pinadausdos sa kanyang katawan.

"Here. You can have it."sambit niya at inabot ang phone niya at nandoon nakalagay ang transactions at perang laman ng card na hawak ko. 35 million pesos? Not bad.

"I wonder kung saan mo nakuha ang ganito kalaking halaga... Dave Guttierez"sambit ko at mula sa drawer sa tabi ng table ay kinuha ko yung syringe na may lamang drug at tinurok ko yun sa leeg niya.

Sinubukan niya magpumiglas pero agad din siyang nanghina dahil sa drug na ginamit ko sakanya.

Ginamit ko sakanya ang drug na pinagkakakitaan niya. They call it Dreams.

Umalis na ako sa pagkakapatong sakanya at kinuha ko yung phone niya. Iniscan ko yung finger print niya at pinasa saakin ang lahat ng files tungkol sa sindikato nila.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko siya.

"Hacked all the CCTV cameras around the bar. I need to clean this mess."sambit ko sakanya.

"Roger."

Binaba ko ang cellphone ko at tinignan ko yung lalaki na nakahiga sa kama. Dave Guttierez isang Drug lord at kasama sa sindikato kung saan gumagawa ng iba't ibang Drugs that they called 'Dreams'.

Binalot ko siya sa Bedsheet at nagpaalam na din ako kay Mamu. Binigyan ko siya ng ten thousand pesos at ginamit ko ang daan sa likod ng bar. Sinakay ko si Dave sa kotse niya at nimaneho ko ito palayo sa Bar.

Inihinto ko ito malapit sa Bridge at binuhusan ko siya ng alak sa katawan. 

Iniupo ko siya sa Driver's seat at nang maset up ko na siya ay nilagyan ko ng malaking bato ang apakan ng kotse at umandar na ito pababa ng bridge.

Naramdaman ko pa ang malakas na impact nito sa bridge at pinanood ko itong lamunin ng tubig.

"Naipaghiganti na din kita sa wakas Madie."sambit ko habang papalubog ang kotse niya.

"Masaya ka na?"Nagulat ako sa babaeng bigla nalang sumulpot sa kung saan. Nakasuot siya ng itim na hoodie at  mask.

"Who are you?"tanong ko sakanya at inalerto ko lahat ng sistema ko.

"Tell me, Anong pakiramdam mo na sa wakas ay naipaghiganti mo na din ang kaibigan mo? Na pinatay mo ang taong pumatay sakanya?"sambit niya at naglakad siya palapit saakin.

"Pano mo nalaman? Sino kaba talaga?!"sigaw ko sakanya at sinugod ko siya pero agad niya akong nahawakan sa braso ko.

Sinipa ko siya pero agad siyang nakailag at naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa semento.

Tumayo agad ako at tinapunan siya ng suntok at sipa pero agad niya itong nasasangga.

She made a move and I felt a hard impact on my body. Nakahiga na ako sa semento. Unable to move my feet.

Namanhid ang buong binti ko sa ginawa niya. Parang may tinamaan lang siya na isang part na konektado sa buong binti ko.

"Hindi pa ito ang huli nating pagkikita. At sa oras na magkita tayong muli. Sana hindi kana ganito kahina."sambit niya saakin.

"Sino ka ba talaga ha?!"Sigaw ko sakanya habang patuloy padin ako sa pagdaing.

"Makikilala mo ako sa tamang panahon. Magpalakas ka Aiyana."sambit niya. Naglakad siya palayo at nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Alam niya ang tunay kong pangalan?

Kinuha ko ang phone ko di kalayuan saakin at tinawagan siya.

"Einan... I need you."sambit ko at sinabi ko sakanya kung nasaan ako.

Wala pang sampung minuto ay nakita ko na siyang bumaba sa kotse niya at binuhat ako papasok dito.

"I-check mo kung may cctv cameras dito sa bridge. Ipasa mo sakin ang lahat ng footage 30 minutes ago tsaka mo idelete ang files." sambit ko sakanya.

"Roger."sambit niya saakin.

Dinala niya ako sa Condo ko at tila paralisado pa din ang aking mga paa.

Inihiga niya ako sa kama ko at kinuha niya yung laptop niya pati na din ang iba niyang devices.

We're con artists. We have our free will to do everything we want while gaining money.

"Sino itong kasama mo sa bridge?tanong niya saakin.

"Hindi ko alam. Nskatakip ang mukha niya."sambit ko sakanya. Pinanood niya yung cctv footage at nakita doon ang pagatake namin sa isa't-isa. .

"It is the first time na may nakalaban ka at naging ganyan kalala ang lagay mo. You are a blackbelter in taekwondo at nag aral ka din ng aikido at judo. How come na naging ganyan ng sitwasyon mo?"sambit niya.

"Hindi ko alam. Akala ko ako na ang pinakamabilis pero dumating siya at inagaw niya sakin yon."sambit ko.

"Tapos na, naipaghiganti mo na si Madie... Ano nang balak mong gawin?"tanong niya.

Tama siya, pinatay ko na lahat ng pumatay kay Madie. She was drugged and raped ng sindikato nila Dave Guttierez. Isa isa ko silang siningil.

"Umalis tayo ng bansa at magsimula ng bagong buhay Einan."sambit ko sakanya. Tinitigan ko siya ng diretso sa mata pero agad siyang umiwas.

Biglang sumikip ang dibdib ko. Mahal niya pa din si Madie.

"Hindi ko kayang basta iwan nalang si Madie at kalimutan nalang gaya ng sabi mo."sambit niya.

"Mahal mo pa rin ba siya?"tanong ko sakanya.

"Kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko sakanya."sambit ni Einan. Napangiti nalang ako para pigilan ang luha ko.

"I know. Magpapahinga na ako. Maraming salamat sa pagtulong mo saakin. Maraming salamat din kasi minahal mo ng ganyan ang bestfriend ko. Kahit hindi mo ako minahal, masaya pa din ako kasi naranasan ni Madie na mahalin ng ganyan."sambit ko.

Lumapit siya saakin at hinalikan ang noo ko.

"Goodnight Aiyana."sambit niya at umalis na sa kwarto ko.

Doon na nagsilabasan ang mga luha ko. Kahit kailan hanggang kaibigan nalang ang tingin ni Einan saakin.

Bukas na bukas magsisimula ako ng bagong buhay. Itutuloy ko ang buhay ko sa ibang bansa.

Pythonicus OculiWhere stories live. Discover now