A I Y A N A
Pinasuot niya ako ng contact lens na kayang magrecord ng mga pangyayari at hikaw na kayang magrecord ng voice at makipagcommunicate sakanya.
Sinuot ko yung black na leather longsleeves. Kung aakalain mo isa lang itong normal na damit pero kaya nitong ipenetrate ang bala na tatama sa damit mo. Ganun din ang suot kong leggings.
Yung sapatos ko naman ay may hidden knife at lalabas lang ito once na pindutin ko ang button na nasa wristwatch ko.
Dala ko din ang paborito kong baril.
Humarap ako kay Einan. Sa isang abandon apartment ako pinapunta ng may hawak kay Madie at pupwesto si Einan sa katapat nitong building para magobserve.
Gusto niyang sumama saakin pero sinabi ko na kailangan padin namin maging handa kung isa man itong trap.
"Magi-ingat ka Aiyana."sambit niya at hinalikan ako sa noo. Napangiti naman ako.
"I will. I'll bring her back to you." sambit ko sakanya.
Sumakay na kami sa motorcycle ko atgad ko itong pinaharurot papunta sa katapat na building.
"Communicate with me."sambit niya at tumango ako.
Pumunta na ako sa abandoned apartment at inactivate ko na lahat ng device ko sa katawan.
"Maria!"sigaw ko. That's her name in the public. Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng totoong pangalan ni Madie.
"Yana!!"sigaw niya kaya agad ako napatakbo sa pinanggalingan ng boses at nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan at nakatali ang kamay at paa.
"Buhay ka nga..."sambit ko. "Ethan she's alive."sambit ko at naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko.
I got alerted when I felt a movement near me kaya agad kong kinasa ang baril ko at tinutok sa direksyon nito. Binaril ko ang isang nakaitim na lalaki at agad siyang tumumba at nangisay.
May bumaril saakin sa likod at naramdaman ko ang impact nito sa suot kong suit. Hinarap ko ito at binaril ko siya.
"What's happening Maria? Bakit ka nila kinuha? Tauhan ba sila ni Dave Guttierez?!"sigaw ko habang binabaril ko isa isa ang bawat makita kong lalaki na nakaitim.
Thanks God unlimited yung bala nitong paborito kong baril.
"Hindi kana dapat nagpunta dito Yana."sambit niya habang umiiyak.
"I'll bring you home Maria."sambit ko at tumakbo sa direksyon niya pero agad akong napahiga sa sahig nang may sumulpot sa harap ko na lalaking nakaitim na mask.
What happened?! Saan siya nanggaling?
Narinig ko ang pagmumura ni Einan sa kabilang linya.
"Aiyana makinig ka sakin. Patibong lang lahat ng yan at umalis ka na dyan ngayon na."narinig kong sambit ni Einan sa earrings na suot ko.
"I'll bring her back to you."sambit ko. At tumayo na.
"Hindi si Madie yan. Patay na si Madie. Umalis kana dyan."sambit ni Einan.
"S-sino ka? Anong kailangan mo sa kaibigan ko?!"tanong ko sa lalaki.
"Aiyana please makinig ka sakin. I can't lose you."narinig kong sambit ni Einan. Sorry Einan pero ililigtas ko si Madie whatever it takes.
"Kailangan kita Aiyana."sobrang lalim at sobrang nakakapangilabot ang boses niya. At natakot ako nang banggitin niya ang pangalan ko.
"Pano mo nalaman ang pangalan ko?" sambit ko.
YOU ARE READING
Pythonicus Oculi
FantasyYou only have two choices. to fight or to surrender. Choose wisely.