2

2 0 0
                                    

E I N A N

Isang linggo na ang lumipas nang umalis si Aiyana. Talagang tinuloy niya ang buhay niya sa ibang bansa. Wala na rin kaming komunikasyon dahil iniwan niya pati ang phone niya sa condo.

Inubos niya din ang laman ng bank account ni Dave Guttierez at iyon ang ginamit niya paalis ng bansa.

Sabagay, puro pasakit naman ang naranasan niya dito.

Lumaki kaming tatlo nila Madie sa bahay ampunan. Si Madie napunta sa masaya na pamilya at si Aiyana naman ay napunta sa mayamang pamilya. Ako tumakas lang ako sa bahay ampunan dahil ayokong isipin nila na iniwan nila ako.

Walang kumupkop saakin at nagpalaboy lang ako sa daan.

Si Aiyana nakuha niya lahat ng gusto niyang bagay pero hindi siya masaya dahil tinrato lamang siyang katulong ng kumupkop sakanya. Si Madie naman ay sobrang mahal ng mga magulang niya.

May nakakita saakin na lalaki sa kalsada at siya ang kumuha saakin. Mayaman ito kaya nakapagaral ako.

Nagtapos ako ng college. Ganun din si Aiyana at Madie.

Bumukod na si Aiyana sa pamilya niya. Si Madie naman ang nagsilbing breadwinner.

Nagkita kaming tatlo at doon kami nagkasundo na maging con artists. Hindi payag si Madie nung una pero napakiusapan siya ni Aiyana. We want to serve justice. Justice na hindi kayang ibigay ng mga nasa gobyerno.

Tatlong taon kaming nagtrabaho bilang con artists pero bigla nalang gumuho ang mundo namin nang mapahamak si Madie sa isang misyon.

Pinatay ang mga magulang na kumupkop sakanya. Pinatay ng isa sa tauhan ni Dave Guttierez.

Sobrang galit at pangungulila ang naramdaman ni Madie kaya pumunta siya don ng hindi namin alam.

Magaling din si Madie sa judo at aikido. Magaling din siyang humawak ng baril. Pero napagkaisahan siya. Hindi niya inaasahan na madidiskubre niya doon ang sikreto ng sindikato. Huli na ang lahat bago pa niya masabi saamin.

She was drugged. Ginawa siyang Guinea pig at sakanya tinest ang mga drugs na iyon. Nirape din siya ng paulit ulit. At nang hindi na kinaya ng katawan niya ay namatay siya.

Nang malaman ni Aiyana ang lahat ay pinasok niya ang sindikato na iyon. Pinag aralan at inalam ang kahinaan nila.

Mahal ko si Madie bilang kapatid. At higit pa doon ang pagmamahal ko kay Aiyana.

Ayokong iwanan dito si Madie sa Pilipinas kaya hindi ko nagawang magsimula ng bagong buhay.

Binuksan ko ang tv at tama nga ang hinala ko.

Nakita na ang bangkay ni Dave Guttierez at naikalat ko na din ang impormasyon tungkol sa sindikato nila.

Lahat ng lugar na pinagtrabahuhan nila ay nilinis na ng mga pulis.

Sana nakikita mo ito ngayon Aiyana.

Patay na din si Dave Guttierez at lumabas sa Autopsy Report niya ay gumamit din siya ng drugs at lasing nang nagmamaneho kaya siya nahulog sa bridge.

Tapos na Madie naipaghiganti kana namin.

Tumayo ako sa sofa at naisipan kong puntahan ang puntod ni Madie.

Nang makarating ako sa Heritage ay may natanaw akong isang babae naa nakatayo sa harap ng puntod niya.

"Aiyana?"tanong ko. Pero hindi gumalaw ang babae at parang naistatwa siya.

"Sino ka?!" tanong ko sakanya. Unti unti siyang humarap saakin at mas lalo akong nagulat. Hindi maaari.

"Einan."ngumiti siya saakin.

Pythonicus OculiWhere stories live. Discover now