A I Y A N A
Sumakay kami sa Mustang Vinta na kulay itim.
"Fasten your seatbelt. It'll gonna be a tough ride."sambit ng babae. Kinabitan ako ng seatbelt ni Einan at hindi siya umalis sa tabi ko.
Si Madie naman ay nasa unahan at kaming dalawa ni Einan sa likod.
Magsasalita pa sana ako pero nalunok ko nalang ang laway ko dahil sa sobrang bilis ng pagmamaneho niya.
Sabi ni Madie mabait siya pero parang papatayin niya kami sa pagmamaneho niya.
Mukhang walang balak mabuhay ang babaeng 'to at idadamay pa kami! Juskolord!
"Open your suit. Hanggang saan na umabot ang mahika na nilagay niya sayo? "sambit ng babae na nakalingon samin ngayon habang mabilis ang pagmamaneho.
"F*ck ! Pwede bang tignan mo nalang ang minamaneho mo?! Mamamatay tayo ng maaga ! "sigaw ko.
"Huwag mong hintayin na ako pa ang maghubad sayo ng damit mo."sambit niya ulit sa nakakatakot na tono ng boses.
Agad kong binaba ang zipper ng suit at tanging panloob lang ang natira kaya agad nag iwas ng tingin si Einan.
Nang makita ng babae na kumalat na ito hanggang tyan ko ay mas lalo niyang binilisan.
"Ihanda mo si Terius. Dala ko na silang tatlo. Oo."sambit niya at napakunot ang noo namin ni Einan.
Napadaing naman ako sa sakit ng maramdaman ko ang pagiinit ng tyan ko. Parang sinusunog ang laman laman ko! Tangina ang sakit!0
"Aiyana kaya mo pa bang tiisin?" tanong ni Madie.
"Delikado pag umabot pa ito sa puso niya. Sampung minuto nalang ang meron tayo bago ito tuluyang umabot sa puso niya."sambit nung babae at iniba niya ang direksyon ng kotse papunta sa building.
Wala pang dalawang minuto ay nakaakyat kami sa rooftop ng building at may helicopter doon.
Binuhat na ako ni Einan dahil sobra na akong nanghihina.
"Terius dalhin mo kami sa Oculus."sambit nung babae nang makasakay kami sa helicopter at agad na umandar ang helicopter sa ere. Nakita ko sa ibaba ang syudad at sa isang iglap ay nagbago ang lahat.
Wala na ang mga buildings na nakita ko at puro puno at lawa ang nakikita ko.
"Welcome home."sambit ng babae. Agad na naglanding ang helicopter sa isang wide space na may helipad.
Binuhat ulit ako ni Einan at pumunta kami sa isang kubo.
"May itim na mahika na nilagay sakanya si Rodolfo. Alam kong kaya mo itong tanggalin."sambit nung babae sa matanda.
"Kaya ko lang pahuntuin ang pagdaloy nito pero hindi ko kayang alisin. Katulad ng ginawa ko sayo."sambit nung matanda don sa babae.
Nilagay ng babae yung kamay niya sa dibdib ko at umilaw ito ng kulay dilaw.
Nawala ang itim sa katawan ko pero may nagform na hugis mata na itim na itim sa tagiliran ko.
"May halo na ang dugo mo ng mahikang itim. Maaari kang mas maging malakas o maaaring maging mas mahina ka. Depende yan sa kapangyarihan na meron ka."sambit ng matanda.
"Sino kayo? At anong lugar ito? " tanong ko sakanila.
"Ako si Filea. Ito ang Oculus. Katulad namin. Kayong tatlo ay mayroon ding Pythonicus Oculi."sambit nung matanda.
"Pythonicus Oculi? "tanong ni Einan.
"Magical Eyes."sambit nung babaeng nagdala saamin dito. Pinagpahinga kami sa kubo at umalis ang matanda pati yung babae.

YOU ARE READING
Pythonicus Oculi
FantasiYou only have two choices. to fight or to surrender. Choose wisely.