$_$

17 1 0
                                    

"You know, ang dami kong suitors. "

"Really? Si Juls, Romeo, Ken at Inio. Yung mga nagpupumilit mangligaw sakin."

"Nice naman." Nagtawanan naman sila

"Ang bait nung mga lalaki kanina sa LRT. Pinaupo nila ko. " sabi naman ng nasa kabilang bandang upuan.

"Iba talaga. Ang ganda ganda mo girl" naghampasan naman sila dun.

Para akong timang na panay ang lingon sa bawat gilid ng cantina namin. Ang dami kasing  nakaupo dito at nagkukwentuhan. Hindi ko maiwasang tignan. Lalo na ang mga nag-gagandahang mga babae. Naiinggit kasi ako sa kanila.

Ang natural ng ganda nila. Yung tipong hindi na nila kailangan ng masyadong kolorete sa mukha para makita ang itsura nila, ang kagandahan nila.

Bat kaya di ako pinagpala? Para pa kong pinala sa itsura ko.

Hindi naman ako pango, may usli naman kahit papano ang ilong ko. Salamat sa lolo kong matangos ang ilong, binigyan nya ko. Ang mata ko naman ay may kalakihan. Parang luluwa na. Malamang joke lang yun. Malaki lang talaga sya. At yung labi ko naman ay lumaki ng kaunti sa hugis ng ilong ko.

Ang hirap iexplain ng ibang feature ng mukha ko. Pero sure akong hindi ako maganda. Pati ang kulay ko ay talaga naman... hays. Kayumanggi ako hindi maitim. Hindi din makinis ang balat ko. Kaya naman hays.

Ang suswerte naman nitong mga babaeng naririnig ko na ang daming manliligaw. Saka kung ako siguro yung nakatayo sa LRT kahit sobrang hirap na ko sa bitbitin ko, hindi ako papaupuin kasi nasa isip nila pare pareho lang tayo ng bayad. Pero kapag maganda ka, kahit pareho pa kayo ng bayad. Mapapaupo ka. Hays. Im not against any of this, napapansin ko lang yung difference.

Tinignan ko ang relo ko at sampung minuto na lang ay klase nanamin.

SOBRANG haba nanaman ng pila sa sakayan ng jeep. Rush hour na kasi lagi nasasaktuhan paguwian na namin.

Dito kapag sinabing isa na lang, kahit kapirangot na ispasyo na lang meron ipagsisiksikan pa yan. May maupuan ka man o mahulog ka, isa pa rin yan. Naranasan ko na yung time na, halos mahulog na ko sa upuan ko pero walang nag aadjust. Grabe talaga. Pero nung nakaraan lang. May isang kagandahang babae ang sumakay tas katulad din sakin halos kalahati na lang ang mauupuan nya, umalis yung isang lalaki para sumabit. Hays.

Isang beses pa lang nangyari sakin yung lalaking willing sumabit kaya nakasakay ako. Hays.

"Kamusta ka na, doggo?" Nilabas ko sa bag ko yung tinira kong pagkain. Kinuha ko naman sa puno yung lalagyanan nya ng pagkain.

Kinahulan nya ko at nagwawagayway yung buntot nya. Napangiti naman ako sa kanya.

Pinakain ko na sya at masaya naman ako tumataba na sya. Nung makita ko sya dati dito sobrang payat nya. Kita na yung kalansay nya. Kaya naman simula nun palagi na kong nagdadala ng pagkain sa kanya.

"Kita na lang tayo bukas, Doggo." Pinat ko ang ulo nya at kinuhalan nanaman nya ko. Napangiti naman ako. "Ingat ka dito ah. Pakabait ka. Be a good boy, okay?" Pagkakausap ko dito. Tumahol lang sya kala mo naiintindihan.

Nilagay ko ulit sa puno yung lalagyan ng pagkain nya. Kinawayan ko muna si Doggo bago naglakad papunta sa subdivision namin.

Habang naglalakad ako, may nakita akong magkasintahan. Ang sweet sweet nila kaya gusto ko silang budburan ng asin kasi naasiwa na ko. Naiinis ako kasi malalandi sila. Edi sila na magjowa. Ako na single lang. Letsi.

"THAT'S all for today. Class dismissed" nagtayuan agad yung mga kaklase ko. Halos lumabas na silang lahat kasi may isang oras pa kaming vacant. Dito rin naman kami sa room na 'to kaya nananatili yung iba.

Im Not BeautifulWhere stories live. Discover now