Im inlove with
your smile
your voice
your body
your laugh
your eyes
But most of all
Im in love with youP.S. You are the most gorgeous
woman I've laid my eyes on, Babe
P.P.S. And be reminded that
I LOVE YOU :)Can help but to smile when I open his letter. He keeps on making them and putting it in my locker. Nasa bahay na yung iba pa. Nilagay ko sa isang box para doon maipon.
Nilagay ko yung letter sa bag ko bago isinarado yun. Pumunta na ko sa room namin. Di ko na pinansin yung mga tinginan ng mga istudyante sakin. Simula nung manligaw si Reo sakin, palagi na lang syang nakadikit sakin. Minsan pa ay hinahawakan ako sa kamay at bewang habang naglalakad. Tinatanggal ko naman pero kumulit lang sya lalo. As in. Gusto ko pa nga matawa nung ayaw ko syang pahawakin sa kamay ko o sa bewang ko,sa braso ko sya humawak. Akala mo tuloy bakla sya. Pero kahit nakaangla ang loko nakangiti pa rin.
"Alam mo Florez, matagal ko na rin napapansin yang pag sulyap mo dyan kay weird girl -------"
"Don't call her that. " May diing sabi nito "Maayos akong nakikipag usap Cedric, baka di kita matansha "
Tumaas ang dalawang kamay ni Cedric. "Chill. Im sorry, Dude. Sorry"
"Tsk." Ingos nito sa kausap
"Sorry. Akala ko kasi trip trip mo lang dati di ko alam na seryoso ka pala nung sinabi mo samin na liligawan mo si 'Hermes' " sagot pa nito
"Matagal ko nang gusto yung tao ngayon pa bang may tsansa na ko para ligawan sya. "
" Mga katulad pala ni Hermes tipo mo. Bat di si Chichi o si Lirae or si Amy?" Sabi ni Poe
"Not at all. Si Tath lang nagustuhan ko and fųcķ standards. So what if they are Chichi or Amy or any one else. They're not my Tath. "
Ewan ko bat pa ko tumigil sa pagpasok sa room ng marinig ko ang pag uusap nila. 'Im weird' and also not part of the standards they set.
Pumasok na ko sa loob at naupo sa pwesto ko. Nagbingibingihan na lang ako sa narinig ko kahit na...
Hays
Kung yun ang napapansin nila hindi ko na papakialaman yun. It's their problem not mine.
But, I can't help but to feel anxious. Now that I'm involve to Reo, I can't help but to worry about their thoughts. We're not match.
Girls like Amy, Chichi or Candy or anyone that are beautiful enough fits for Reo.
Inayos ko ang mga librong gagamitin namin mamaya. Nag aadvance reading na ko para naman hindi ako masyado nalilito sa aaralin mamaya. Maya maya lang ay may umupo na katabi kong upuan. Amoy pa lang nitong taong 'to,alam ko na agad kung sino yun
"Hi" hindi ko sya nilingon o sumagot man lang sa sinabi nya. Hindi naman yun tanong. Hindi ko maintindihan ang paliwanag na binigay dito sa libro. Naguguluhan ako.
"I love you" kumunot ang noo ko sa narinig ko pero hindi ako lumingon.
"Thanks" sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya. Nakita ko sa gilid ko ang pag nguso nanaman nya. He's really cute. Madalas na kasi nyang sinasabi yan.