What's this?
Kinuha ko ang papel na naka envolope sa loob ng locker ko. Ang ganda ng itsura. Halatang pinaghirapan. Wait... is this...? Is this what I thought it is?
Dahan dahan kong binuksan yun at may nakaipit na maliit lang na bulaklak. Nakadikit sya sa may gilid ng papel. Kinuha ko yung isa pang papel na nakaipit doon.
I get butterflies
just thinking about
the next time I'll
see you.See you later :)
Is this Reo's penmanship? Woah.. I feel a little.. jolt. Damn.
Binalik ko na sa loob yung letter. Pinasok ko na sa loob ng bag ko yung mga gagamitin ko mamaya. Lumabas na agad ako at dumeretso sa cafeteria.
I order mashed potato and chicken sandwich. Humanap agad ako nang mauupuan at mabuti wala pa dun sa pwesto kung saan magandang tignan yung garden ng school.
Sumusubo ako ng pagkain habang nakatingin sa garden. Ang sarap kasi sa pakiramdam habang pinagmamasdan mo ang puno at halaman dun.
"Water..." may nagsalita sa tapat ko at napansin ko ang pag urong ng isang bottled water doon. Oo nga pala at nakalimutan kong bumili ng tubig. Pero hindi ko na tatanggapin ang binigay nya.
"Thanks but no thanks. I can buy my own."
Dalawang araw ko na syang hindi kinikibo. Kahit sa loob ng classroom at di ko rin sya kinakausap sa tuwing kakausapin nya ko. Kapag uuwi naman, patay malisya na lang ako kahit nasa likod ko sya.
Pero kahapon, nauna syang pumila kaya ang layo ng agwat namin. Pumunta sya sa pwesto ko at sinabing sabay na kami dun sa pila nya. Hindi ko sya kinibo at wala rin syang sinabing kahit na ano sakin nung hindi ko sya pinansin. "Kung... kung ayaw mo talagang sabay tayo... dun ka na lang sa pila ko. " hindi ko pa rin sya pinansin na para bang di ko sya kilala at nagsasalita lang sya sa gilid ko. Nagulat pa ako nung hinawakan nya ang pulso ko at hinila ako sa pila nya kanina.
"Okay lang naman kahit ayaw mo,sabihin mo lang sakin. Pumila lang naman ako dito kasi gusto kong makauwi ka agad.... uhm.. sige. Ingat ka. Magpahinga ka agad kapag nakauwi ka na." Ngumiti sya pero alam mo yung bawat salita nya. Mararamdaman mong nasaktan sya sa ginawa ko.
Ngayon ay nasa harap ko sya at nagbigay sa akin ng tubig na palagi nyang ginagawa simula nung... araw na yun. Naaninag ko pa ang paghawak nya sa bote pero binitawan din agad. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga nya bago tinap ng dulo nyang daliri ang lamesa.
"Is there a problem, Tath?" Rinig ang mabibigat na hininga nya. "May problema ba satin?" Hindi ko alam kung tina tap pa ba nya ang daliri nya o nanginginig ang kamay nya. "May problema ba sa panliligaw ko?"
Niligpit ko na ang pinagkainan ko at dinala yun sa gilid. Para maitapon yung kalat ko.
Pagkalabas ko sa cafeteria,pumunta ako sa garden. May tatlongpung minuto pa ko para makabalik sa classroom namin.
Umupo ako dun sa isang bench na may bato ring lamesa. May bubong din sa parteng ito. Ginawa talaga ito para pwedeng mag-aral ang ibang istudyante.
Sinubsob ko ang mukha ko sa kamay ko bago niyuko sa mesa. Naalala ko ang itsura nya habang nakatingin sakin at nagtatanong. Namumula ang mata nya. And he looks frustrated. Bakit ba nagmamaganda ako? Porket may isang Reo na nangliligaw sakin ay ganito na ko umasta.
Bakit hindi pa rin sya tumitigil? Bakit hindi na lang sya maghanap ng ibang babae? Bakit ako pa?
Nung umalis na ko sa upuan ko, nakita ko pa ang paghilamos nya sa mukha nya hanggang buhok nya.
