Dali dali akong pumunta sa lugar na binanggit ng ka team ni Reo. He overdid himself. Sinagad nya ang sarili nya nitong mga nakaraang araw kaya....
Lumapit ako doon sa may counter na pwedeng pagtanungan kung nasaan ang mga pasyente
"Reo. Reo Florez" pagbanggit ko sa pangalan nya. Nagtanong ito sakin kung kaano ano ko si Reo at ewan ko ba bat ang lumabas sa bibig ang 'girlfriend'. Nginitian ako nito bago sinabi kung anong room ang inuokupa nito. Matapos kung magpasalamat ay naglakad agad ako papunta doon. Binuksan ko ang pinto ng hindi kumakatok. Nakita ko pa ang gulat sa mukha ni Nanay Narcisa ng makita ako nito
"Nakakagulat ka naman, Tath" nakahawak pa ito sa dibdib nito na senyales na nagulat nga ito sa bigla kong pagpasok.
Madaling madali kasi ako at nawala sa isip kong kumatok. All I think is Reo being here.
Tinignan ko sya at ayon, nakahiga sya at natutulog. May nakasaksak na dextrose sa kamay nya. Buti naman at hindi sya nagising dahil sa ginawa ko
Si Nanay naman ay nakaupo sa may sofa sa harap nito ng kama. Tumayo ito at lumapit sakin.
"Pwede bang ikaw muna ang magbantay sa kanya? Uuwi lang ako dahil biglaan din ang nangyari sa kanya. Wala akong dalang kahit na ano."
Tinignan ko muna si Reo bago tumango. "Opo. Sige po ayos lang." Ngumiti ito sakin. "Kanina pa po sya nandito?"
Humarap ito kay Reo bago sumagot sakin "Oo. Kanina pang mga.... alas-dos? Oo mga ganung oras ata nang tinawagan ako. "
May klase pa kami nung mga oras na yun. That's why I feel something off that time.
"Pakibantayan muna sya. Sasaglit lang ako sa bahay. Salamat" ngumiti ako bago tumango. Lumabas na ito ng pinto. Saka ko lang napansin na magkaiba ang suot nitong sapin sa paa. Nana really loves Reo. Napangiti na lang ako sa sarili ko.
Umupo ako doon sa may sofa at tinitigan si Reo. Hays.
Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ito. "Sinabihan na kita na wag mo sobrahan. " bumuntong hininga ako at nanatiling tinitigan sya.
He look exhausted even tho he's sleeping. Hindi na ata sya nakakain at natutulog ng maayos. Ang dami rin naming requirements na kailangan naming ipasa. At kailangan pa niyang mag praktis. Yung imbes na magpapahinga na sya ay gagawin na muna nya ang ipapasa namin.
Tumayo ako at hinawakan ang mukha nya. Mukha nga syang pagod pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nya.
Nanlaki ang mata ko sa gulat ng bigla nyang hawakan ang kamay kong nakahawak sa mukha nya. Kaya naman napalapit ang mukha ko sa kanya. Unti onti kong nakita ang pagbukas ng mata nya. Ilang segundo din kaming nagkatitingan nito
Ngumiti sya ng dahan dahan. "Im dreaming. I can see Tath's face right now." He softly spoken then his eyes is shutting close again and his grip is slowly loosen.
Narinig ko ang mahina nyang hilik na bumalik na ulit sya sa pagkakatulog. Napangiti naman ako dun. "You're not dreaming. Im really here. "
Hinalikan ko ang noo nya at inagat ng kaonti ang kumot nya. "Rest well, Reo. Mamahalin pa kita"
ILANG oras lang ang nakalipas ng nakabalik na si Nanay Narsisa. Nakapalit na ito ng damit at magkapareho na ang suot nitong sapin sa paa,'di tulad kanina. May dala dala rin itong bag. Siguro gamit ni Reo yun na gagamitin nya habang nandito sya sa may ospital.
