Chapter 6

10 1 0
                                    

Ashert POV
Pagbukas ko ng pinto ng restaurant na kakainan namin ay saktong may nakasalubong akong papalabas din na lalaki, napahinto ako at napatingin sa kaniya, nagulat ako ng makita kong si kiya ito. Lagot na, baka isipin niyang nag ccutting ako waaaaaaahhh

"Kuya" medyo natatakot at kinakabahan kong sambit
"Oh, bakit andito ka?diba oras ng klase nyo?tsaka sino yang kasama mo?nakalimutan mo na ba agad lahat ng sinabi ko sayo?unang araw mo pa lang ah" sunod sunod na tanong ni kuya
"Chill kuya, chill ok?isa isa lang mahina kalaban. Tsaka pasok muna tayo kuya bago ko sagutin mga tanong mo hehehehe"pabiro kong sagot para naman hindi halata na kinakabahan na ako noh, baka mamaya kung ano ano pa sabihin ni kuya kina mom and dad niyan eh

Naunang maglakad papasok si kuya at siya na rin ang naghanap ng mauupuan namin. Tabi kami ni Braze umupo at ng makaupo na kami nakita ko ang itsura ni kuya, geez mukha naman akong may ginawang masama kung makatingin siya sa amin

"Kuya ganito kasi ya--"putol kong sabi dahil sumabat agad siya
"Magkwekwento ka pa?sagutin mo na lang mga tanong ko kanina, tsk!"galit na saad niya, aba ako na nga itong magpapaliwanag sisingit singit pa siya hmp!

"Ok tama ka kuya, oras la nga ng klase namin pero hindi kami nag ccutting. Tsaka hindi ko nakalimutan mga bilin mo sa akin noh, tapos ito namang kasama ko partner ko siya"dere-deretso kong sabi
"Hindi naman pala kayo nag ccutting eh, anong ginagawa nyo dito?tsaka partner saan?ano ba munang pangalan mo?mapagkakatiwalaan ka ba?"sunod sunod nanaman niyang tanong

Kainis naman tong si kuya, mas strikto pa kay dad pero kahit ganyan yan mahal ko yan yiee kuya kiligin ka please hahahaha. Anyways guys, pagkatapos nun sabihin ni kiya tumingin agad ako kay Braze and I can see na parang wala lang sa kaniya yung mga nangyayari

Magsasalita na sana ako para sagutin ang mga tanong ni kuya at para ipakilala na siya pero naunahan na niya ako

"I am Braze Andrei Gonzales, 17 nice meeting you"blanko ang mukha niya habang sinasabi iyon kaya tumingin ako kay kuya at HALA OMYGHAD!yung itsura ni kuya HAHAHAHAHAHAHA di maipinta eh

"Luke Carl Caldwell, brother of Ashert. Nice meeting you too" formal na pakilala ni kuya na akala mo eh business man kausap niya myghad cazi, char.

*kruu*

Tumingin ako kila kuya tsaka ngumiti, gutom n talaga akooo

"Oorder na ako, excuse me" malamig ngunit magalang na sabi ni Braze. Tinanguan ko na lamang siya bilang sagot, tsaka sana damihan naman niya yung food HAHAHAHAHAHA

"Ash, bakit kayo nasa labas ng school niyo?wala bang canteen doon para doon na lang kayo kumain?" tanong ni kuya

"Meron naman kuya, sa laki ng school na yun sa tingin mo mawawalan sila ng canteen"

"Meron naman pala eh, bakit lumabas pa kayo para kumain?" tanong niya, wala na akong ibang choice kundi ang sabihin sa kaniya yung nangyari sana hindi siya magalit

"Kuya wag kang magagalit ha, so ito--" naputol nanaman sasabihin ko dahil nagsalita nanaman siya, hilig niyang sumingit eh grr

"Ano ba kasi yun ha?" sabi niya, eh kung hindi ka sana sumingit edi nasabi ko na sa iyo hmp!

"Ganto kasi yun kuya, may attentiom seeker kaming kaklase tsaka hindi siya naniniwala sa akin na anak ako ng mga Caldwell. Kaninang recess nabangga ko siya kasi hindi ako nakatingin sa daan kasi nakikipagkwentuhan ako sa mga bago kong kaibigan kasama na si Braze don, nung nabangga ko siya nagsorry naman ako kaso siya pinalaki niya yung gulo at hindi tinanggap you ng sorry ko" mabilisan kong kwento, medyo hiningal ako don ha

"Oh tapos?" ay excited char hehehe

"Tapos ayun nung lumaki yung problema, umabot sa away. Pinipigilan ko sila kaso hindi nila ako naririnig kasi nga busy sila mag away, hanggang sa nakita kami ng principal at dinala sa office niya tsaka ka---" naputol nanaman yung sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw na ikinagulat ko

"ANO?!" malakas at medyo galit na sigaw niya kaya tumingin lahat ng tao sa amin

"Kuya, pwede ba wag kang sumigaw tsaka umupo ka nga nakakahiya oh" pabulong kong sabi kasi nahihiya na ako

"Anong sabi mo?dinala kayo sa principal office?kelangan kong makita yung principal niyo at sabihin sa kaniya na ipasuspend yung mga babaeng nakaaway nyo" sabi ni kuya ng seryoso

"Kuya patapusin mo muna ako, tapos nung pumunta na kami sa office tinanong lang kami tsaka winarningan tapos pinarusahan na kami, at ngaun na yung start nung parusa. Kaya ko kasama si Braze kasi kami yung magpartner para sa parusa" pagpapatuloy ko

Pagkatapos kong sabihin iyon ay saktong dumating si Braze dala yung mga in-order niya na kakainin namin. Umupo na siya sa tabi ko. Nakita kong tumingin si kuya sa orasan niya at tsaka siya nagsalita

"Sige mamaya na lang sa bahay, sasabihin ko din ito kina mom and dad. Mauna na ako sa inyo, Braze ingatan mo kapatid ko." seryosong saad ni kuya

Tumango na lamang ako at kumaway sa kaniya bilang paalam. Pagkaalis na pagkaalis ni kuya ay kumain na agad kaming dalawa ni Braze para makapagsimula na kami sa parusa namin

----------------------------------------
Dont forget to vote and comment :) Thanks for reading! enjoy!
*sorry for the typos and grammatical errors*

Is It Forever?Where stories live. Discover now