Ash POV
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang marinig ko nanaman yung boses ni renjun mylove, nagtext na ulit si Braze sabi nya "Andito na ako" nandun na daw— WHAT?!! NANDUN NA SIYA AGAD?!! I quickly texted him back at sinabi na magpapaalam lang ako kay kuya.Kinuha ko na yung jacket niya tsaka ito inilagay sa paper bag, sinabit ko na sa balikat ko yung sling bag ko bago ako lumabas ng kwarto at kumatok ng sobrang lakas sa pinto ng kwarto ni kuya mwehehehehehe
"TAENA SAGLIT LANG KUNG MAKAKATOK NAMAN PARANG HINAHABOL NG TORO EH!!" feeling ko abot sa kapitbahay yung sigaw niya, ang lakas eh sakit sa tenga. At ayun, pagkatapos ng ilang taon este minuto binuksan niya na yung pinto ng kwarto niya at makikita mo sa mukha niya ang pagkairita dahil naistorbo ang tulog niya hehehe my bad.
"Kelangan mo at bkit kung makakatok ka parang wala ng bukas?" tanong niya "papaalam lang ako, pupunta ako dyan sa may park ibibigay ko lang kay Braze tong naiwan niyang jacket" sagot ko at pakiramdam ko kung ano-ano nanaman sasabihin nito dahil nabanggit ko si Braze
"bkit kelangan sa park pa?pumunta na lang siya dito dami niyang alam, dali itext mo na wa—" bago pa siya manermon sumingit na ako "babalik dn ako agad kuya, tsaka balak ko din pumunta ng mall so wag ka mag-alala uuwi din naman ako bago magdilim" sabi ko tsaka tumakbo pababa."ASHERT KAILA CALDWELL HINDI PA KITA PINAPAYAGAN BUMALIK KA DITO!!!" sigaw niya pero hindi ko na siya pinansin, narinig kong nagdadabog na lumabas si ate galing sa kwarto niya at tinanong si kuya kung bakit ba siya sigaw ng sigaw at dahil nga hindi maganda gising ni kuya ayun nagsisigawan na sila, aigooo
May maid malapit sa gate namin so nagpaalam din ako sa kaniya tsaka ako tumakbo papuntang park, balak ko sanang itext si Braze na papunta na ako kaso konting takbo na lang naman andun na din ako.
—————————
So ayun nandito na ako, nakakahingal tumakbo potcha ang tamad ko ksi mag-exercise eh. Hindi ko siya makita kaya tinext ko siya kung anong suot niya at sabi niya naka dirty white siyang hoodie, black ripped jeans and then white na rubber shoesInikot ko yung paningin ko at nakita ko siya sa kabilang parte ng park malapit sa mga nakaparadang kotse. Pagkakita na pagkakita ko sa kaniya tumakbo agad ako papalapit.
"hey! Sorry I'm late" sabi ko, infairness ang gwapo niya mukha siyang korean. "Nah, it's okay" sabi niya, inabot ko na sa kaniya yung jacket niya, nagpasalamat naman siya agad. Gusto ko sana tanungin kung bakit niya sinabi kagabi na "take good care of it" kso nahihiya ako so wag na lang.Ang awkward gaizz HAHAHAHA whAt to do?should I ask him kung may gagawin ba siya ngayon tapos magpasama ako sa mall or ikutin muna namin tong park?di ko alam gagawin ko sana pala pumayag na lang ako sa sinabi ni kuya huhu
"Alam ko namang gwapo ako but please, stop staring at me like that" luh?gwapo daw siya kapal nya naman hmp! "Hoy fyi hindi kita tinititigan noh ang feeling mo" sagot ko tsaka ako umiwas ng tingin tumango-tango na lamang siya na para bang sumasang-ayon siya na hindi, aba.
Kakapalan ko na mukha ko ehem "uhm Braze may gagawin ka ba ngayon, pwede samahan mo ko sa mall? pero kung may gagawin ka it's okay ahehehe" tanong ko habang hindi nakatingin sa kaniya
"Ok let's go" sabi niya tsaka siya naglakad papunta sa kotse, ano yun?sinong sinasabihan niya ng let's go ako ba o yung driver?I guess yung driver, maglalakad na sana ako palayo ng bigla niya akong tinawag "Hoy! San ka pupunta?kala ko ba nagpapasama ka, tara na" ako ata yung sinabihan niya kanina, pahiya onti sisSumakay na din ako ng kotse at sinabi na ni Braze na dalhin kami sa mall.
——————————————————
Andito kami ngayon sa harap ng restaurant, lunch time na at nabili ko na rin naman yung sinadya ko dito. May dinaanan din si Braze na store bago kami pumunta dito sa kainan.
"Treat ko ngayon, order ka lang jan" sabi ko sa kanya, tumingin agad siya sa akin "why?kanya kanya na lang" sagot niya "Nilibre mo ako nung nakaraan so ako naman manlilibre ngayon" tumango na lang siya na parang pinapayagan niya akong ilibre siya pero yung ekspresyon ng mukha niya parang ayaw niya naman talaga, kanina pa toh azar ha.
Tinawag ko na yung waiter tsaka ko sinabi yung order namin. Hindi din naman nagtagal dumating na rin yung mga pagkain, kumain kami ng tahimik walang nagsasalita sa aming dalawa pero hindi ko na yun pinansin dahil nagugutom na ako sobra.
Pagkatapos naming kumain napagdesisyunan namin na pumuntang arcade, kanya kanya yung pagbili ng tokens pero nagbitaw kami ng bet na kung sino mas konti yung ticket na nakuha manlilibre ng ice cream. Nakarating na kami dito sa arcade, bumili na agad kami ng tokens tsaka kami naghiwalay para maglaro, we only have 1 hour.
Habang naglalaro feeling ko parang may nakatingin sa akin, pero pag chinecheck ko naman wala namang nakatingin weird. Hindi ko na lang pinansin tsaka ako nagpatuloy sa paglalaro dahil malapit na matapos yung 1 hour, makapal tong hawak kong ticket so feeling ako panalo BWAHAHAHAHA
*after 15 minutes*
Magkasama na kami ngayon ni Braze andito kami sa parang counter tapos may parang machine tas doon ilalagay yung ticket tapos malalaman mo kung ilan nakuha mo and yung result— talo ako :)) Pumili na kami ng prize tsaka kami lumabas ng arcade at pumunta sa bilihan ng ice cream
Ang daming tao ngayon dito sa mall dahil siguro linggo ngayon. Habang naglalakad may nakabangga sa akin, nagsorry naman siya agad di ko alam kung ako lang ba pero ang suspicious niyang tignan. Nang makalayo layo kami parang ang hapdi ng braso ko tinignan ko iyon at— SH*T! Napahinto ako sa gulat kaya napahinto dn si Braze.
Bakit ako may sugat?!san galing toh?dont tell me yung suspicious na tao yung may gawa nito, parang wala naman siyang hawak na matulis na bagay. Nakita ni Braze na hawak ko yung braso ko kaya tinignan niya yun, nagulat siya na may sugat ako don pumunta agad kami sa lugar na pwedeng umupo or tumambay tsaka siya umalis bibili lang daw siya ng panggamot.
Kasalukuyang ginagamot ni Braze yung sugat, pero ako nakatulala bukod sa hnd ko alam kung sino, saan at paano ko ito nakuha, meron akong hemophobia buti na lang naiwas ko agad yung tingin ko at hindi ako nagpanic kanina kundi makakagawa pa ako ng scene dito sa mall.
Yung plano naming bumili ng ice cream hindi na natuloy dahil tinawagan na ni Braze yung driver niya at hinatid na nila ako sa bahay, sana lang hindi toh makita ni kuya dahil kung ano-ano nanaman sasabihin nun at baka sisihin niya pa si Braze. At kung yung suspicious na taong nakabangga sa akin kanina ang may gawa nito, sino siya at bakit niya ginawa yun?
---------------------------------------
Dont forget to vote and comment :) Thanks for reading! enjoy!
*sorry for the typos and grammatical errors*
YOU ARE READING
Is It Forever?
Teen FictionI'm Ashert Kaila Caldwell a simple girl with a normal and simple life---- (before) A normal and simple life?I miss them, hahaha funny how I dream about having a life like that again after all the mess and lies I've encounter. I only have one wish a...