Chapter 8

14 1 0
                                    

Kath POV
   Naglalakad kami ngayon ni Adrian papunta sa meeting place namin, sabi ni Jayleen sa harap na lang daw ng canteen kami magkita kita

   So as usual nang aasar nanaman yung kasama ko, naiinis na ako konti na lang msasabunutan ko na toh pasalamat siya kakain kami ngayon kelangan pag kakain ako masaya ako para masarap ang food hihihihi

   Malapit lang naman yung pwesto na nililinisan namin ni Adrian sa canteen kaya mabilis lang kami nakarating at ngayon nakikita ko na si Jayleen doon kasama si Xavier, Heiley na kasama si Lucian at Christian at Ali na kasama si Ray, wala pa si Ash tsaka Braze baka malayo yung nilinisan nila

   Kumaway na ako kila Jayleen at nakita nya yun tatakbo na sana ako kaso lang nadapa ako at alam niyo ba kung sino yung dahilan?syempre dapat oo sagot niyo, ang nag iisang Adrian Luke Sanchez lang naman ang may gawa

   "HAHAHAHAHAHAHAHHAA GINAGAWA MO KATH?ANO ILANG ISDA?HAHAHAHAHAHAHA" malakas na tawa niya at nakita kong tumatawa na din sila Ali

   "ADRIAN LUKE SANCHEEZZZ!!!!" malakas kong sigaw na naghudyat sa kaniya na tumakbo na ng mabilis dahil lagot sita sa akin pag nahabol ko siya

   Habang tumatakbo kami nakita ko na sila Ash kaya huminto na ako, hinintay sila at sumabay na sa paglalakad nakita ko naman si Adrian na katabi na si Lucian at parehas silamg tumatawa aba

   "Woi Kath kung nakakamatay lang ang tingin panigurado patay na si Adrian HAHAHAHHA" sabi ni Ash

   "Ikaw ba naman patirin tas imbis na tulungan ka tatawanan ka pa, nako pasalamat talaga siya kakain tayo ngayon"

   "Oh?anong konek nung pagkain?" tanong niya

   "Kailangan kasi bago kumain dapat happy para mas masarap ang food hihihi" sabi ko sa kaniya

   "Nays ngayon ko lang nalaman yun ah"

   "Elibzs ka nanaman sa akin Ash" sabi ko sabay tawa ng mahina at ganoon din siya, di ko namalayan na nakalapit na pala kami kila Jayleen at sumabat nanaman si Adrian

   "Oh talino ka na niyan?" tanong niya habang tumatawa pa din, hindi ka na sana makahinga ng maayos kakatawa. Inirapan ko na lamang siya tsaka nilagpasan bilang sagot sa tanong niya

   Sumunod na lang sa akin sila Ash at pumunta na kami sa pwesto namin, nagvolunteer na ang mga lalaki sa amin na sila na ang mag oorder, syempre pumayag na kami kasi minsan lang yun at alam niyo ba gaiz syempre hindi pa diba so ito na nga LIBRE NI JAYLEEN YUNG FOOD UWWWWWWUUUU aym so hapiii hihihih

   So dahil minsan lang siya manlibre itatanong ko sa kaniya kung bakit, curious ako eh

   "Jaaayyyy bakit mo kami nilibre?" o dba ganda ng tanong ko--parang ako maganda *wink*

   "Wala trip ko lang HAHAHAHAHAH" sabi niya, tumango na lang ako pero alam niyo hindi ako naniniwala hahahahha kasi kakaiba yung ngiti niya ngayon eh tsaka yung ekspresyon ng mukha niya

   Di nagtagal dumating na din yung mga boys dala na yung mga foods namin na libre ni jayleeennn yeheeeeyy

   Habang kumakain syempre hindi mawawala ang kwentuhan, asaran at tawanan kung tutuusin nga ang ingay na namin dito eh HAHAHAHAHHA

   Sige guys mamaya na lang kakain muna kami para matapos din agad tsaka kami kikilos ulit para sa parusa, well 1 week siya eh monday pa lang ngayon edi hanggang friday pa kami. Katamad na lalo pa ako lang gumagawa sa aming dalawa ni Adrian -.-

   Sige bye na mga kasiopao ingat kayo lagi lab na lab ko kayo kahit di niyo ko lab HAHAHAHAHAH mwaps!

---------------------------------------
Dont forget to vote and comment :) Thanks for reading! enjoy!
   *sorry for the typos and grammatical errors*

Is It Forever?Where stories live. Discover now