Chapter 9

16 1 0
                                    

Jayleen POV
   Naglilinis pa rin kami ngayon at nakakaboring na toh, ang tahimik pa wala kasing nagsasalita sa aming dalawa kasi nga hnd kami ganun ka close buti sana kung si raymond or kahit sino sa kanila ang kasama ko ngayon malamang sa alamang maingay kami *pout*

   At alam nyo ba, syenpre hindi pa diba. So ayun nga yung nililinisan namin ngayon is yung cr ng mga faculties, argh sa bahay nga hindi ako naglilinis dito pa kaya?pero no choice eh kelangan gawin dahil sa bwct na trixy na yan grr

   Tuwing naaalala ko yung nangyari kanina naiinis ako to the highest level na inis, napaka attention seeker nyaaa bwct bwct bwwcttt

   Kasalukuyan kong nililinis yung sahig ngayon gamit yung mop, mas maganda sana kung yung mukha nung bruha na trixy na yun ang ipanglinis ko eh pero dahil mejo mabait pa ako itong mop na lang muna

   Habang nagmmop nakatingin ako sa kung saan saan at biglang nahagip (waoo nahagip) ng paningin ko si xavier na kasalukuyang nagkukuskos ng pader, pawis na pawis na sya pero ayun gwapo---este panget pa rin sya walang pinagbago

   Tapos na ako sa kabilang side maglinis kaya ngayon sa isang side pa ulit, side kung nasan nandon si Xavier. Habang naglilinis may biglang pumasok na isang teacher at medyo nagulat pa sya sa amin, tumigil kami sa ginagawa namin na paglilinis tsaka sya binati, binati nya rin kami pabalik. Buti pa sya bumabati pabalik samantalang yung ibang teacher hindi hmp!

   Bumalik kaagad si Xavier sa paglilinis samantalang ako nakatingin lang sa kanya, habang nakatingin sa kanya maraming tanong agad ang pumasok sa isip ko like: bakit ko sya nagustuhan hindi naman kami ganun kaclose, may chance kaya ako sa kanya, nagkagf na kaya siya dati and etc.

   Matagal na kaming nagkasama ni xavier tulad nga ng sabi ko sa inyo pero hindi ko alam kung nagkagf na sya hnd ako updated sa buhay niya, kahit yng mga laro nya sa basketball hindi ko alam kung kelan gaganapin eh magugulat na lang ako na tinatanong ako nila raymond kung manonood ako ng game nila hays

   Matagal na din pala simula nung magkagusto ako sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin ako umaamin kasi natatakot ako, natatakot ako na mas layuan niya pa ako at mas lalong hindi pansinin

   "Jayleen" sa tawag niyang yun nagulat tsaka medyo nataranta kaya ayun naapakan ko yung mop tas nadulas ako

   Napasigaw ako tsaka napapikit, hinihintay ko na bumagsak ako pero naramdaman ko na may sumalo sa akin kaya napamulat ako ng mata at nakita ko siya titig na titig sa akin

   Cheesy man pakinggan pero biglang bumilis tibok ng puso like bijj ngayon lang nangyari toh, hindi naman nagtagal tumayo na ako kasi ang awkward na sa pakiramdam

   "Sa susunod mag iingat ka" sabi niya

   "Lagi naman akong maingat, nagulat lang HAHAHAHAHAHA" sabi ko na may kasamang tawa para hindi halatang awkward noh

   "Bkit ka kasi tulala?anyway bilisan mo na mag mop patapos na ako dito tapos, kapag tapos ka na linisan yung sahig text or chat mo sila na kita kita tayo sa canteen kasi kakain na tayo"

   Wow just wow, totoo ba toh?nagsalita sya ng ganun kahaba?anyway tumango na lang ako bilang sagot tsaka siya nilagpasan, kunwari wala akong paki sa kaniya ganun hehehehehe

   Natapos din naman ako agad dahil binilisan ko, nililigpit na namin yung mga ginamit namin tsaka kami lumabas ng cr

   Habang naglalakad isa isa ko na silang tinext sinabi ko na magkita kita kami sa canteen at libre ko ang kanilang foodammss, balak kong sabihin yun kay xavier pero mamaya na lang pagkatapos ko dito

   At dahil nga busy ako sa cellphone ko ayun!muntik na ako makabangga ng teacher buti na lang nahila ako ni xavier palapit sa kanya

   "Salamat, di ko napansin yun ah"

   "Pano mo mapapansin eh busy ka jan sa cellphone mo" sabi ni Xavier sa akin, napasimangot na lang ako dahil doon

   Nakarating dn naman kami agad sa harap ng canteen at maya maya dumating na din sila ali, ang pagdating nila kath ang nakakatawa nadapa si kath eh pfft. Hindi din naman nagtagal dumating na dn sila ash at braze

   Kompleto na kami which means we're ready to eat naaaa wait for us foooddieess coz our squad is on the waayy lezgoooo!!

---------------------------------------
Dont forget to vote and comment :) Thanks for reading! enjoy!
*sorry for the typos and grammatical errors*

Is It Forever?Where stories live. Discover now