Makabagong Bilangguan

266 5 0
                                    

Makabagong Bilangguan

By HosepBalagtas

Ako'y malaya ngunit nakatali ang sarili

Sa isang lugar sa mundong tutuo'ng hindi

Dito, abot ko ang lahat, ng hindi ko hinahawakan

Dito, lakbay ko ang lugar, ng hindi ko nilalakaran

Makabagong kulungan, siya'y sa aking paningin

Makabagong bilangguan na bibigay sayo'ng dinggin

Tila isa kang Diyos kung dito'y ikay marunong

Tila isa kang matalino gamit ang teknolohiya'ng mga dunong

Cellphone, Computer, IPad at mga iba pa

Sa kapangyarihan ng Internet ay tiyak! kulong ka,

Payo lang kaibigan, h'wag sanang masamain

Kung sa tula ko'y sapul ka, katotohanan'y tanggapin

May bagay na nakakasama kapag ito'y sumobra

May bagay na dapat laging, ginagamitan ng disiplina

Inyong pakatatandaan, bagay gamitin bilang bagay

At huwag nating idepende buong buhay sa isang bagay.

Vow!!
Salamat po

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon