Ina

142 9 5
                                    

By Joseph

Wala pa ako'ng muwang ng naramdaman ang una n'yang pag-ibig

Wala pa ako'ng alam kung saan siya pa lang aking paligid

Ngunit inibig n'ya ko katumbas ng kaniyang sarili

Pinaka-ingatan lahat lahat mula ulo hanggang mga daliri

Lumipas ang mga taon ako'y lumalakad na

Mahal n'ya pa rin ako kailanman di iyon nag-iba

Taon muli ay dumaan isip ko'y kaya ng mag-isip

Buhay ko na ang paglalaro kasama ko hanggang idlip

Nang magkaroon ng mga kaibigan, ninais kung lumaya

Di s'ya nagkulang na ako'y sabihan, ako lang ang nagwalang bahala

Inabuso ko ang mga bawal, ginawa ko ang hindi

Mga payo n'ya at pangaral, binaliwala ko at hindi

Ko pinakinggan, mga boses na galing sa kanya

Agad ko s'yang iniwan, taas noon'y walang luha sa mata

Nang magbunga ang punla ng ginawa kung pagmamalaki

Iniwan ako ng lahat daig ko pa ang inapi ng api

Sinakluban ako ng langit, lupa at ng lahat habang nag-iisa

Biglang kung naala si Ina, bigla kung na- miss siya

At saka ko napagtanto mga mali ko sa kanyang inasal

Sinuway ko siya't sumagot ng pabalang, habang ginawa ang mga bawal

Bumalik ako kay Ina, nagsisisi at lumuluha

Yumakap lang siya, mga pighati ko'y kinuha

Napalitan ng pag-ibig, aruga ng Ina sa anak

Muli ako ng nagsisi, muli ako'ng umiyak

Sa isang banda ay naisip ko na dapat ko siya'ng suklian

Ng respeto at pagmamahal, di magbabago kailan pa man

Sasabihin kung mahal kita Ina, habang dinig mo pa

Pakikita kung mahal kita Ina, habang kita mo pa

Susuliting mga sandali, habang kasama pa

Mahal na mahal kita, aking Ina.










Dedicated to my Mom.
I Love you
Sorry sa mga kasalanan ko.
Maraming maraming salamat po Mama. Habang buhay kung tatanawin na malaking utang na ulob po ang pagsilang n'yo po sa akin.
I love my Mother <3

Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon