"Prologue"

40 5 0
                                        

The world is covered by darkness

Many people was hiding in the shadow

The world is surrounded by evil

In short........


CHAOS....

Matagal na panahon na ang nag daan nang mag simulang mag bago ang lahat.

Isang araw nagising na lang ang mga tao na nag kakagulo ang lahat, walang nakaka alam ng dahilan, nanatiling sikreto ang lahat.

Maliban sa nakakataas at... Sa akin.

Tama. Tandang tanda ko pa ang lahat. Sariwang sariwa pa. Na parabang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko alam kung paano, kung paano ko na alala ang lahat. Kahit na Isa lang akong batang paslit nang araw na yon.

Siguro dahil sa mismong araw na yon nagbago ang lahat sa akin. Ang araw Kung saan nawala ang lahat.

***

Limang taong gulang ako noon.

Isang gabi nagising ako sa sarili kong kwarto dahil sa isang naka sisilaw na liwanag na nangaling sa binta ko.

Bumangon ako sa pag kakahiga at sumilip sa bintana. Dahan dahan kong hinawi ang manipis na kurtina na tumatakip sa bintana. At nakita ko ang pitong tao, apat na lalaki at tatlo ang babae na pinalilibutan ng mga armadong tao na mukang nasa dalawampu.

Doon ko nalaman na ang liwanag na nakita ko ay galing sa isang lalaki na may hawak na isang klase ng baril. Isang electric laser gun.

Hindi ko naririnig ang pinag uusapan nila mula sa kinaroroonan ko. Pero base sa nakikita ko mukang inaaresto sila.

Sa isip ko nung mga panahon na yon ay baka Isa silang bad guys kaya sila inaaresto.

Nakita ko na mukang lumalaban yung pito. Nag step forward ang isa sa kanila at nakita ko kung paano nya inangat ang tatlong sasakyan na nandoon.

Hindi ko maiwasang ma mangha sa nakikita ko. Pero napalitan yon ng takot nang sunod sunod syang pag babarilin ng nga armadong tao.

Dahil sa gulat at takot napa upo ako sa sahig at umiyak.

Ilang sandali lang ang lumipas at nakarinig ako ng pag takbo sa labas ng kwarto ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang aking Mama at Papa.

Dinaluhan nila ako para patigilin. Tinanong nila ako kung ano ang dahilan. At tinuro ko ang bintana.

Binuhat ako ni mama para patagilin sa pag iyak. Kahit malayo ng bahagya sa bintana ay nakita ko ang nangyayari sa labas. Si papa naman ay naka silip pa din sa bintana.

Nanonood na tila ba hindi alintana ang panganib.

Hindi pa din tumitigil ang lahat. Kahit na bulagta na at walang malay ang binaril na lalaki kanina.

Naglaban na ang natitirang anim. Sa pag kakataong ito nakita ko kung ano ang may roon sa kanila at bakit sila hinuhuli ng mga ito. Delikado sila.

Mabilis ang lahat ng pangyayari. Nakita ko ang limang armadong tao na hawak ang ulo at namamalipit sa sakit base sa itsura nila.

At ang iba ay nasusunog, nawawalan ng malay, at Kung ano ano pa. Gawa yon ng isang lalaki na hinuhuli nila. May apoy sya sa kamay.

Nakita ko naman ang tatlo na naka tayo lang at walang ginagawa.

Samantalang ang Isa sa kanila ay napatumba na din.

Na ubos ang mga armadong tao at may bagong mga dumating. Masmadami kumpara kanina.

Second StageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon