'22nd Century'
Faerun's Point of View
Eksakto 1:00am nang hating gabi, malamig ang simoy ng hangin, napaka dilim pa at ito ang tamang oras para gawin ang trabaho na inalok sa akin.
Ang i-assassinate ang kurakot mayor dito sa isang bayan. Binayaran ako ng malaki para dito, hindi ko iyon matatangihan lalo na ngayon na kaylangan ko ng pera.
Ang totoo nyan hindi naman nila gustong ipapatay ang mayor. Ang gusto lang nila ay takutin ko ito para mag bago. Ang sabi nila naka tangap na ng death threat ang mayor pero hindi nya iyon pinansin, kaya ito ako ngayon, nag aabang ng tamang timing para maka pasok na sa loob ng bahay.
May mga umiikot na gwardiya sa paligid. Ang akala ko hindi nya pinansin ang death threat na nakuha nya pero eto sya ngayon mahimbing na siguro ang tulog habang binabantayan ng mga aso ang bahay nya.
Nang masiguro ko na wala na ang mga lumilibot ay nag simula na akong kumilos. Pinasok ko ang bahay ng walang hirap. balot ang katawan ko ng itim na kasuotan, natatakpan ang muka at may bitbit na bag.
Nalagpasan ko ang mga nakakabit na CCTV cameras sa buong lugar na nadaan ko. Sa palagay ko naman ay hindi ako na hagip ng camera.
Pag pasok ko sa bahay ay agad akong pumunta sa mga kwarto para tingnan ang mayor. Bawat kwarto na pinasukan ko ay walang laman. Malaki ang bahay at may ikatlong palapag. Sigurado na nasa taas ang kwarto ng mayor.
Inakyat ko ang hagdan at dahan dahang tinungo ang pinaka malapit na kwarto sa ikalawang palapag. Hindi pa ako nakalalapit ay may nakita na akong dalawang mukang bodyguards sa tabi ng pintuan. Naka upo silang pareho pero ang Isa ay mukang tulog na at naka yuko na Lang. Samantalang ang Isapa ay gising na gising at mukang may kausap sa holographic phone nya.
Hindi pwedeng ma abala ang mission ko kaya agad kong inilabas mula sa bag na dala ko ang isang tranquilizer gun. Tinapat ko ang baril sa aking harapan at inasinta ang lalaki. Sa isang iglap, tahimik na pumutok ang baril na hawak ko at tumama sa balikat ng lalaki. Nakita nya ako pero huli na ang lahat dahil bumagsak na sya sa pagkakatulog.
Para masigurado na walang aabala ay binaril ko rin ang lalaking natutulog. Maganda na ang sigurado.
Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pinto pero naka lock ito sa loob. Nilingon ko ang gwardiya na pinatulog ko at nakita na sa harapan ng bulsa nya sa polo ay may card. Kinuha ko iyon at tinapat sa scanner sa gilid. Hindi ako nabigo at bumukas ang pinto.
Dahan dahan ang pag galaw ko habang pumapasok sa kwarto ng mayor. Mahimbing ang tulog at walang ka alam alam sa nangyayari.
May katabi itong babae. Walang pamilya ang mayor sa pag kakaalam ko kaya sigurado na bayad ang babaing ito.
Lumapit ako sa mayor para makita ng maayos ang muka nito. Nasa thirty-five na ang edad nya sa itsura pa lang.
Gumalaw ng bahagya ang natutulog na mayor at nasundan ito ng pag kusot ng mata. Nagtago ako kung saan hindi nya ako mapapansin. Dahan dahang bumangon sa pag kakahiga ang mayor at tumayo. Nag punta sya sa banyo. Sinundan ko sya para matapos na ang trabaho ko dito. Inaantok na din ako.
Nag punta ako sa pintuan at sumandal para hintayin sya.
"Ahh... Babe?" Bigla syang nag salita mukang naramdaman nya ako.
"Pasensya ka na nagising pa kita. Oh.. baka naman gusto mo ng isang round pa?" Sabi nya mula sa loob ng banyo na mukang nang aakit pa. Ang sagwa, nakakadiri sabi ko sa isip ko.
Tumunog ang flush ng banyo senyales na tapos na sya. Pumasok na ako sa loob at sinarado ang pinto.
"Babe ahh... Hindi ka na ba makapag hintay? Dito na lang?" Muling saad ng mayor na to kahit na hindi ako sumasagot.

BINABASA MO ANG
Second Stage
FantasyA New Era has begun. The era of super humans. Twenty percent of population in the world had a super power or a extraordinary talent or ability. The person who had this is already at the Second Stage. Second Stage is one of the stage of human life. I...