PAGKATAPOS ng hapunan ay naligo na si Cady. Pagkuwan ay tumambay siya sa beranda habang tanging puting roba ang suot. Malamig ang hanging dumadampi sa katawan niya. Naramdaman niya ang presensiya ni Rue na pumasok sa kuwarto. Kanina pagkatapos nilang maghapunan ay nagpaalam itong maliligo sa dagat. Niyaya pa siya nito pero tumanggi siya.
Lumuklok siya sa racking chair habang nakatutok sa kanyang touch screen na cellphone at nagbabasa ng status ng mga Facebook friends niya. Nabasa niya ang private message sa kanya ng best friend niyang si Amy na isang taon nang kasal sa longtime boyfriend nito. Noong nalaman nito na ikakasal siya ay ang dami nitong nai-share na kuwento sa kanya base sa karanasan nito bilang may asawa. Pinayuhan din siya nito. Ang honeymoon daw ang pinaka-exciting na parte ng bagong kasal. Sinabi rin nito na dapat ay ibigay niya sa partner niya ang kailangan nito lalo na sa usaping seksual.
Natawa siya nang sabihin ni Amy na agresibo at aktibo ang lalaki kapag nasimulan na nilang gawin ang sexual activity.
"Expect mo nang palagi kang gagamitin ng asawa mo. Hindi ka puwedeng mag-inarte dahil kasama 'yon sa buhay may asawa," sabi pa ni Amy.
But in her case, she insisted that she's not obligate to fallow the traditional activities of newlywed. For her, sex was not the main element of couple who really love each other. Lovers open to invest more efforts, emotions and stories. She believed that sex was open for all creations even there's no love involve. It's an art and a human needs or even animal. It's normal for natural productions.
Malakas ang tiwala niya na epektibo lang din ang kasal sa papel para kay Rue at hindi nila kailangang maging aktibo sa mga karaniwang gawain inside married life. Noong huli silang nag-usap ni Rue ay bukam-bibig nito na para sa ikabubuti ng business at legacy ng yumao nitong parents kaya ito magpapakasal sa kanya. Pinanghawakan niya iyon.
Nang hindi na niya kaya ang ginaw dulot ng malamig na hangin ay nagdesisyon na siyang pumasok. Isinara niya ang sliding door. Saktong kalalabas ni Rue sa banyo. Nakasuot lang ito ng puting roba. Nabaling ang tingin niya sa isang bote ng red wine na alam niyang medyo matapang. Naghihintay ito sa ibabaw ng round table kasama ang dalawang kopita.
"Are you ready?" bigla'y tanong ni Rue.
Gilalas siyang napatingin dito. "What?" kunot-noong tanong niya.
"Don't ask me like you don't know why we're here. Take your cloth off, honey," walang abog na sabi nito.
Bigla siyang kinabahan. "Rue, I think we don't need to do this," aniya.
Lumapit si Rue sa mesa at binuksan ang wine. "Nagpakasal ka sa akin 'tapos hindi ka pala handa. Ano ba ang iniisip mo? Magsasama tayo na parang hindi magkakilala? Kasal ka na sa akin at habang buhay tayong magsasama," giit nito.
"I know but not this time. We're not obligate to make love as soon as possible. We got married because of business agreement so we have to focus first in business."
"Then when? And don't say make love. There's no love involve. Fuck is the right term. Don't worry, I'm good on it. I understand the purpose of this marriage but we have to respect the real meaning of this. Of course, your parents and my grandmother trusted us. They were hoping for a future grandchild. Para lumakas ang loob mo, uminom tayo." sabi nito saka ibinigay sa kanya ang isang baso ng wine.
Lalo siyang nangilabot dahil sa sinabi nito. Kinuha naman niya ang inumin.
"Grandchild? I think it's too early," aniya.
"Don't worry; you won't get pregnant in just one fuck. Come on, let's make it. Cheers!" pilyong sabi nito saka sinagi ng baso nito ang baso niya.
Paulit-ulit siyang lumunok bago niya inisang lagok ang kanyang inumin. Nang ma-absorb ng katawan niya ang wine ay kaagad na uminit ang pakiramdam niya. Lumuklok siya sa silyang katapat ng mesa.
BINABASA MO ANG
Proxy
General FictionWarning: Story content not suitable for minor reader. Genre:Erotic/Romance Rated SPG