MAS pinili ni Cady na tumira sa bahay niya sa farm land sa Laguna kaysa sa bahay ni Rue na naroon lang din sa Calamba Laguna. Hindi pa siya handang tumira sa bahay nito. Ipinagyabang pa nito na mayroon itong private resort sa mismong property nito kung saan nakatirik ang dalawang palapag nitong bahay. Pumayag naman ito sa kagustuhan niya pero hiningi nito ang every weekend stay niya sa bahay nito. Hindi rin niya ito pinipilit mag-stay sa bahay niya bagay na iginigiit nito na mas gusto nitong mag-stay sa bahay nito.
Naka-base ang opisina niya sa Calamba Laguna kung saan malapit lang sa opisina at manufacturing company na pag-aari na ni Rue. Tatlong araw na siyang busy matapos ang tatlong araw nilang honeymoon sa Tagaytay. Ilang ulit na rin niyang pinalagpas ang dinner invitation ni Lola Marcela. Sa loob ng tatlong gabi ay hindi umuwi sa bahay niya si Rue. Hindi na niya inalam ang dahilan nito. Wala siyang balak pilitin ito. Gusto niya maging smooth ang pagsasama nila at gusto niya ay manatili pa rin ang privacy niya. Wala rin siyang balak na pakialaman privacy ni Rue. Puwera na lang kung nasasagasaan na ang kasal na siyang nagtatali sa kanilang dalawa.
Dahil sa tambak na paperwork ay nakaligtaan ni Cady ang oras ng tanghalian. Isang minuto na lang ay ala-una na ng hapon. Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto na walang kumatok. Nag-init ang bunbunan niya nang makita niya si Rue na deretso ang pasok bitbit ang paper bag.
"Can you please knock the door before entering my office?" iritableng sabi niya. Gustom na siya, pagod at stress 'tapos makikisabay pa ang asawa niya.
Nagtataka siya bakit bumalik sa labas si Rue. Mamaya ay tumunog ang door bell.
"Huh! Baliw na lalaki. Come in!" pasigaw na sabi niya.
Pumasok naman si Rue. "Hi, honey! It's lunch time," nakangiting sabi nito.
Ngali-ngali niya itong batuhin ng name plate niya. Deretso itong lumapit sa kanya at walang anu-ano'y siniil ng halik ang kanyang labi. Nagulat siya. Mabilis niya itong iniwasan. She knew that Rue was not serious to manage their married life but she couldn't ignore his effort. She does not care about it.
Inihanda na ni Rue ang dala nitong pagkain sa mini dining set na karugtong ng kanyang opisina. Mayroon din siyang bed room at bathroom maging living room dahil minsan ay doon na siya inaabot ng antok at tinatamad na siyang bumiyahe pauwi.
"Come on, honey. Let's eat first. Late na ang lunch natin," sabi ni Rue.
Walang imik na tumayo siya at sinamahan si Rue. Pinaghila pa siya nito ng silya. Pagkuwan ay umupo ito sa katapat niyang silya.
"Hindi ako nakapagluto kaya nag-order na lang ako sa restaurant," sabi nito.
Napansin niya na puro gulay ang nakahain. Wala man lang karne. Mayroong seafood curry pero naghahanap pa rin siya ng karne ng manok o baka man lang. Kaunting kanin lang ang kinuha niya at seafood curry. Halos lahat ng gulay na nakikita niya ay ayaw niya lalo na ang spinach at asparagus.
"Ang tipid mo namang kumain. Hindi mo ba gusto ang ulam?" tanong ni Rue.
"Hindi ko lang gusto ang ibang gulay. Next time huwag ka nang magdala ng pagkain dito. Magpapaluto na lang ako sa cook namin. At huwag mo na rin akong hintayin o sabayan sa tanghalian dahil madalas talaga late na akong kumakain," aniya.
"That's not good idea, honey. Kasal ka na kaya dapat mong baguhin ang life style mo. Kung tutuusin pareho tayong busy. Hindi excuse ang trabaho. We're both managing our own company so we don't need to work twenty-four hours, seven days a week."
"Alam ko. Hindi madaling mag-adjust sa ganitong sitwasyon. Mahirap malagay sa lugar ko," aniya.
"Akala mo ba ikaw lang ang nahihirapan?"
BINABASA MO ANG
Proxy
General FictionWarning: Story content not suitable for minor reader. Genre:Erotic/Romance Rated SPG