HULING araw ng honeymoon ay maghapon na nakababad lang sa kanyang laptop si Cady. Samantalang si Rue ay abala sa pagsu-surfing sa karagatan. Naroon siya sa beranda at mula roon ay natatanaw niya si Rue na nagpapatangay sa alon sakay ng surf board habang tanging itim na boxer ang suot. Nadi-distract siya sa tuwing sumisigaw si Rue. Tuwang-tuwa ito sa malalaking alon.
Alas-tres na ng hapon. Kumakalam na naman ang sikmura niya. Halos lahat ng kakainin nila ay si Rue ang nagluluto. Palagi kasi siya nitong nauunahan. Maaga itong nagigising kaya pagbangon niya sa umaga ay nakahanda na ang mga pagkain.
Hindi siya nakatiis. Tiniklop niya ang laptop saka siya nagtungo sa kusina. Naglaga siya ng tatlong perasong itlog na gagawin niyang palaman ng sandwich. Kahit papano ay may alam naman siyang gawing meryenda na hindi kailangan ng mabusising proseso.
Nang maluto ang itlog ay binalatan niya ang mga ito at dinurog. Pagkuwan ay nilagyan niya ng mayonnaise at tinimplahan ng paminta at asin. Nilagyan din niya ng lettuce at pipino ang sandwich niya. Nagtimpla rin siya ng orange juice.
Dinala niya sa beranda ng kuwarto ang meryendang ginawa niya. Nang tumingin siya sa dalampasigan ay wala na roon si Rue. Mamaya ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at dagli ring nagsara. Naubos na niya ang isang sandwich. Umupo siya sa racking chair habang nakatanaw sa malawak na karagatan.
Nakakaidlip na siya nang may kamay na humaplos sa nakahantad niyang balikat. Pink sleeveless blouse lang ang suot niya at puting pajama. Nagmulat siya nang mga mata. Namataan niya si Rue sa kanyang kaliwa. Nababalot lamang ng puting tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Bumabandera ang matipunong katawan nito.
"Magmeryenda ka na," sabi niya rito.
"Tapos na," tugon nito.
Nang tingnan niya ang plato na pinaglagyan niya ng sandwich ay wala na iyong laman. Mukhang ginutom ang kanyang asawa sa kaka-surfing. Tumayo siya at lumapit sa barandilya. Lumanghap siya ng sariwang hangin.
Mamaya ay naramdaman niya ang mainit na mga kamay ni Rue na humuhubog sa kanyang baywang. Dumapo ang mainit nitong bibig sa kanyang batok. Nang simulan nitong pasadahan ng bibig ang kanyang leeg ay awtomatikong nagsikip ang kanyang dibdib sa suot niyang damit. Kumislot siya nang dumapo ang isang kamay nito sa kanyang dibdib.
"Hindi ba sinabi ko sa 'yo na huwag kang magsuot ng underwear habang magkasama tayo sa private place?" bulong nito sa kanya.
"You can't force me to do what you want, Rue," aniya.
"Come on, call me, honey. Ikaw rin ang mahihirapan kapag hindi ka susunod sa akin."
Tumawa siya nang pagak. Mamaya ay nagulat siya nang biglang baklasin ni Rue ang kanyang blouse. Nagtalsikan ang botones ng blouse niya. Marahas siyang humarap dito.
"What the hell!" hasik niya ngunit tinakpan ng bibig ni Rue ang kanyang bibig.
Ang pangahas nitong halik ay unti-unting tumutupok sa kanyang katinuan. Makapagyarihan ang halik nito at nahirapan siyang tutulan. Pagkuwan ay hinatak siya nito papasok sa kuwarto at dagli siyang isinandal sa dingding.
Hindi manlang nito pinagtiyagaang alisin nang maayos ang kanyang bra. Hiniklas nito iyon at dagling hinapuhap nang halik at pinong kagat ang kanyang dunggot.
"Uhhh!" daing niya. Itinulak niya ito.
Napaatras si Rue pero kaagad siyang binalikan. Pinihit siya nito patalikod dito at iginiit siya sa gilid ng mesa. Niyapos siya nito buhat sa likuran. Dagling humubog ang mga kamay nito sa kanyang malulusog na dibdib. Naramdaman niya sa kanyang pang-upo ang pagdaiti roon ng nakalaya nitong sandata.

BINABASA MO ANG
Proxy
General FictionWarning: Story content not suitable for minor reader. Genre:Erotic/Romance Rated SPG