ANG sabi ng iba, ang maikasal ay isa sa pinakamakasaysayan at exciting na pangyayari sa buhay ng isang babae. Pero para kay Cady, ang kasal ay katulad din ng sugal, you couldn't assure how lucky you are after marriage. You may win or lose. Sometimes marriage was not enough to be contented and comfortable with relationship you have.
Sa edad na biyente-singko ay naging abala si Cady sa responsibilidad bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng kumpanyang ipinundar ang mga magulang niya. Nang magtapos siya ng pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Psychology ay pormal na inilipat sa kanya ng mga magulang niya ang rights ng C&F manufacturing corporation, kung saan ang mga produkto nila ay can goods at iba pang processed food na may mga sangkap na karne ng manok, baka, baboy at seafood. Namana rin niya ang ten hectare farm lot kung saan ay inaalagaan ang mga hayop na pina-process.
May tiwala ang parents niya sa kanyang kakayahan kaya maagang nagretiro ang mga ito sa negosyo. Gayunpaman ay nakaalalay pa rin ang mga ito sa kanya. At para sa mas ikauunlad ng business ay tinanggap ng mga magulang niya ang hinihinging pabor ng may-ari ng dating kakompitensiya nila sa negosyo at noo'y business partner nila. Palubog na ang 2R food corporation kaya nagdesisyon ang mga ito na sumandal sa kanila upang mapanatiling nakatayo ang negosyo ng mga ito. Binili nila ang shares ng mga umalis na investors at sila na rin ang sumalo sa milyong utang ng naturang kumpanya.
May tiwala ang parents niya sa bagong prisedente ng 2R Food Corporation at sa kakayahan nitong mamahala ng higanteng kumpanya kaya pumayag ang mga ito sa arrangement na hinihingi ng kabilang panig. Para sa tuluyang pagkakaisa ng dalawang kumapanya ay humantong ito sa marriage arrangement. Nang makilala nang personal ni Cady ang twenty-six year old na apo ni Mrs. Marcela Torres ay walang pag-aalinlangang tinanggap niya ito. Rue Fuentes was an ideal man she think base on her first impression when first time they met. Mabait at seryoso ang binata sa unang impresyon niya. Katulad niya'y business din ang priority nito.
Pagkatapos ng engagement party nila ni Rue ay nagpaalam ang binata na magbabakasyon muna sa California ng tatlong buwan upang asikasuhin ang mga naiwan nitong mga credential sa university kung saan ito nagtapos ng pag-aaral. Pero bago ito umalis ay naayos na nila lahat ng kailangan sa kasal. Mayroon nang schedule, venue at iba pa.
Pagbaba ni Cady sa bride's car ay nagtataka siya bakit hindi pa pumapasok sa loob ng simbahan ang ibang bisita, na dapat ay nakaabang na ang mga ito sa pagdating niya. May dalawang babae na umaalalay sa kanya dahil sa malaking wedding gown niya. Sinalubong kaagad siya ng Daddy niya.
"Dad, what happening here?" nagtatakang tanong niya.
"May problema tayo, hindi pa dumarating si Rue," balisang sagot nito.
"What? Ano ba ang huling sinabi niya noong tinawagan n'yo siya?" aniya. Kinabahan siya. Mukhang mauudlot pa ang kasal niya.
"Ang sabi niya on the way na siya," sagot nito.
Hindi siya mapakali. Naisip niya, baka nahimasmasan si Rue at na-realize na hindi pa ito handang magpakasal. Pero maayos naman ang nangyaring engagement party at masaya pa nga ang binata.
Mamaya ay may humaharurot na itim na sports car at huminto sa tapat ng simbahan. Napatingin ang lahat sa kararating na sasakyan na bumulabog sa alikabok. Kumakabog ang dibdib ni Cady habang inaantabayanan ang bababa na sakay ng sports car. Walang kurap na tumingin siya sa bumabang lalaki na siyang lulan ng kotse. Likod pa lang ay kilala na niya ito. Nakasuot ito ng puting tuxedo. Nang humarap ito sa direksiyon nila ay napawi ang kaba niya. It was Rue. Nagpagupit ito ng buhok. Ang dating isang dangkal na haba ng buhok nito ay may isang pulgada na lang at barber cut kaya lalong lumitaw ang kaguwapuhan nito. Napansin din niya na mas pumuti ang balat nitong makinis. Attractive lalo ang taas nitong limang talampakan at labin-dalawang pulgada. Napansin niya na mas lumapad ang katawan nito at mas lalong naging matipuno, hindi katulad noong huling pagkikita nila na mukha itong stress at nangangayayat. Mukhang mas hiyang nito sa California.

BINABASA MO ANG
Proxy
Genel KurguWarning: Story content not suitable for minor reader. Genre:Erotic/Romance Rated SPG