Chapter I

31 1 0
                                    

                                                                             CHAPTER I

Kung iniisip mong maglaro nalang ng Temple Run o maghanap ng kalandian sa FB kesa basahin ang librong to, gawin mo na. Dahil sasabihin ko sa’yo na wala kang pamamalang maganda at baka maihagis mo lang ang mamahalin mong Iphone5 sa screen ng PC mo. Mahirap na, baka bigla mo pa akong hantengin at isabit ang underwear ko sa poste ng meralco. Ayoko ngang mamatay sa kahihiyan. Marami pa kong pangarap na dapat tuparin. Marami pa akong nais matuklasan. Marami pizza pa ang gusto kong kainin.  At higit sa lahat, gusto ko pang ma - meet ng personal si Snow White sa Disney Land. Kaya kung ako sa’yo, kumain ka nalang sa pinakamalapit sa fast-food at orderin mo ang pinakamahal na budget meal. Sabayan mo narin ng pagpapa - cute sa mga service crew na walang ginawa kundi bumati sa lahat ng mga taong madadaanan nila. Daig pa ang kalahi ni Astro Boy kung ulit – ulitin ang “Welcome Ma’am!, Welcome Sir!” o di kaya “Welcome Ma’am sir!” na di mo mawari kung bakla o tomboy ang sinisigawan. Mas magiging kapaki – pakinabang pa ang oras mo at doon mabubusog kapa.

Pamilyar ka naman siguro sa mga taong dinapuan ng sakit na kahirapan, in a form of solid, liquid or gas, na patuloy sa pagkayod at paghahanap ng mai – susubo para sa kanilang pamilya. Siguro din, may alam kang tao na sumusuyod sa apat na sulok ng mundo ( oo na, hindi square ang mundo ), para lang pag – uwi sa bahay ay may mai – pasalubong  s’yang, “Nay! Tay! May trabaho na ‘ko!” at pag upo sa higaan, paghubad ng damit, mapapa – sikhay nalang sabay bulong, “Hai,Ganyan talaga ang buhay.” Tama, ganyan talaga ang buhay. Minsan pag – ikot mo sa roleta’y tumapat sa kulay puti, aba, tinamaan ka ng batong inihagis ng Diyos ng Kaswerterhan! Magdiwang! Pumunta sa tindahan ni Aling Lilia at bumili ng Red Riding Horse! Maglasing hanggang mawalan ng ulirat at kumakalansing sa pitaka. Murahin lahat ng mga umagrabiyado at tumapak sa pinaka - iingatang pagkatao. Tanungin ang de lata kung bakit pamahal ng pamahal ang presyo nila samantalang sabi ng prinsipe ng pilipinas eh umuunlad ang bansa. Pwe! At pangaralan ang mga kaldero’t kawali na kumilos naman sila na magkusang mag – saing at magprito ng tuyo. Hugasan narin ang sarili pagkatapos maging kapaki – pakinabang. Hanggang sa makatulog sa upuan, inen – joy ang paikot – ikot na roller coaster ride at viola! Plakda. Paggising sa umaga, balik sa reyalidad. Balik sa nakasusulasok na buhay. Ilan na kaya sila? Kasing dami naba nila ang populasyon ng langgam sa mundo? Ilan na kaya kami? Ewan. Basta. Anyway, ang init na ah. Tanghali narin kasi ako umalis sa bahay. Umaalinsangan ang amoy dahil sa nagtatalong uulan at init ng araw. Buti nalang at maraming puno dito, kahit papano nasisilungan ako. Sayang lang ang ginagamit kong Gluta thaione, na ka – presyo ng tatlong araw kong allowance.

Tok, tok, tok. Namamaga na kamay ko sa kaka- katok. Bakit kasi ¾ na bahagi ng gate na to eh bakal. Wala man lang doorbell. Pero ayos din pagmasdan dahil sa ganda ng design. Nababalot ng bakal ang kahoy na may naka – ukit na dalawang puno ng kalachuchi sa magkabilang parisukat. Mababasa rin ang edad sa nagtutuklapan na tansong pintura sagad hanggang sa natural na kulay ng puno na i- nagnas ng panahon. Nagtataasan naman ang dalawang poste ng lampara na kung tititigan mong mabuti ay may mga namamahay nang kulisap- balani.  Nababalot din ang kalahating parte ng katawang ng halamang higad patungo sa katabing bakod. May hilera ng punong kawayan sa gilid ng bakod na may dalawang umbok ng punso sa talampakan. Ito lamang ang natatanging sementong lapag sa haba ng Daang-bakal sa lungsod ng San Mateo. Siguro, hindi pa 'to nakikita ng mga politiko na gustong may dagdag income para may ,maipatayong commercial establishments, o di kaya motels, maganda din ang magarang mansyon na gawa sa silver ang bawat rehas ng bintana. Wow! Gandang raket! 

Bakit wala namang sumasagot? Sabi naman sakin ni Ej sa may tapat daw ng karinderya ni Aling Erica. Ito din yung lugar na nakalagay sa address na binigay nya sa'kin. At ito lang ding ang tanging kariderya sa Daang bakal kaya hindi pupwedeng magkamali ako. 

The Book of Re(b)velation Series:  Griffton and the Scale of Ice MermaidWhere stories live. Discover now