Rise 0: Memoria

37 0 0
                                    

0: A Memoria

"Aria!" Tawag ni Talyxa sa kaibigang si Araide. They've been friends since their childhood.

"Oh? Bakit?" Lumingon ito sabay taas ng magkabilang pares ng kilay na animo'y hinihintay ang pagsagot ng matalik na kaibigan.

"Tara kain tayo sa baba, nagugutom ako eh" Pagaaya ni Talyxa habang nakahawak pa sa kaniyang tiyan.

"Sige saglit lang" Pagpayag nito agad wala pang ilang segundo. Pagdating talaga sa kanyang kaibigan ay hindi makatanggi ang dalagang si Araide na nagsilbi nang kanyang pamilya simula ng itaboy siya ng kanyang sariling pamilya.

Inayos nito ang kanyang bag, ipinasok ang lahat ng notebook, ballpen at lahat ng nakakalat sa kaniyang armchair at pagkatapos ay kinuha ang kukay pulang pitaka. Tumayo na siya at inayos muna ang kaniyang pencil skirt na parte ng kaniyang uniporme bago nagmadaling maglakad papunta sa direksyon ni Talyxa.

Lumabas ang matalik na magkaibigan at tumungo na sa cafeteria, kalapitan lamang sa binabaang building nila..

Pagkarating sa pupuntahan ay namili agad sila ng mga makakain doon kaso ay walang natipuhang kainin. Lumipat agad sila at tinahak ang kabilang canteen na may kalayuan kumpara sa kaninang kabilang tinungong kainan upang maghanap ng iba pang putaheng makakain.

"Ang hirap ng magiging second semester natin ngayon, may work immersion. Sa pagkakasabi palang ni Ms. Catalina, nararamdaman ko nang mukhang magiging mahirap ang mararanasan natin" Nanlulumong sambit ni Talyxa out of nowhere. Iniisip pa lamang ay parang nanghihina na sila at pagod sa kahihinatnan ng gaganaping proyekto.

"True! Wala tayong mga NC and awards ayon sa hinihingi doon. Ang dami nating wala, sa tingin mo? Papasa kaya tayo doon?" Nakangiwing sambit naman ni Araide at napapailing-iling na tila ba alam na agad ang kakahinatnan nito sa pagiisip pa lamang kung gaano kahirap ang dadanasin.

"Seriously? Yung NC palang wala na tayo nun. Wala na agad ang 3 points natin"

"3 points?" Nagtatakhang tanong ni Araide na bahagya pang napaatras ang ulo.

"Nakikinig ka ba kanina?" Napangiwi si Talyxa nang makita ang naging reaksyon ng kaibigan sa itinanong.

Napakamot ulo si Araide. Hindi maitanggi na pasikreto lamang itong nakaearphone nung oras na 'yon, nakikinig ng musika at panay lamang ang pagguhit ng mga larawan na palagian niyang ginagawa kapag nababagot siya. Gamit ang kanyang buhaghag na buhok, itinago niya ang nakasalpak sa tenga, ikinabit niya at inilusot sa ilalim ng uniporme upang hindi mahalata.

Sa pangilang pagkakataon, napagtagumpayan niya nanaman ang nakasanayang gawain nang hindi man lang napagsasabihan ng kanilang guro sa harapan at napaghahalataan.

"Nagdo-drawing ako kanina" Napailing na lamang si Talyxa sa naging dahilan ng kaibigan.

"Akala ko ba magbabago na tayo? We're talking about the work immersion here, at dahil sa ganyang asal natin mula pagkabata ay baka yan pa ang maging dahilan ng pagbagsak natin ngayon. Jusko naman Araide"

"Okay chill. Magbabago na ako, kaso baka bukas na" Napapakamot ulo nanamang sambit ni Araide. Ngunit imbes na makita ang pagtawa ng kaibigan ay pagtataray ang naging pagtugon nito habang natatawa't napapailing.

Hindi sinasabi sa kaibigan ngunit takot si Araide sa pagbabago. Takot siya dahil sa kinagisnan na pamumuhay, takot siya dahil marami pa siyang hindi nalalaman sa mundo at dapat pang alamin.

Aurora Rising: The Anonymous Plays [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon