PRELUDE

24 2 3
                                    

"Sa ulo ng mga nagbabagang impormasyon---Nababalita ngayon ang isang kumakalat na drogang tinatawag na 'Phantasmal Drugs'----Ito raw ay nakukuha mula sa mga pagkain na nagmula sa karatig na mga bansa---Magmula sa labas na bansa ay ipinapadala ang mga ito upang ikalat ang nasabing sakit at ipinagiingat ang lahat sa kanilang mga kinakain. Kung maaari ay pinagbabawalan munang kumain ng mga pagkain na gawa o produkto ng mga karatig na bansa. Pataas na nang pataas ngayon ang populasyon ng naapektuhan sa nasabing droga at base sa naging imbestigasyon at eksperimentasyon, ito raw ay nagdudulot ng matinding pagkahilo, hallucination, pagkakaroon ng mga pasa sa katawan, hirap sa paghinga, pagbaba ng temperatura ng katawan, pagsusuka at pamumuti ng mga dumi. Kung nakakaramdam ng ganitong mga sintomas ay agad na pumunta sa pinakamalapit na ospital at magpatingin agad sa mga propesyonal at espesyalista sa lalo't madaling panahon. Maari itong mauwi sa pagkacoma o di kaya'y pagkamatay kung hindi maaagapan. Kulang-kulang tatlong libo na ang naiulat na nagpositibo sa nailahad na sakit dito sa bansa at kasalukuyan na ngayong pinagiingat ang lahat sa mga posible pang pagbabanta ng naturang droga at maging ang epekto nito. Tumutok lamang para sa iba pang mga impormasyosyon ukol dito"

Aurora Rising: The Anonymous Plays [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon