Preface

100 4 1
                                        

"Guys, matagal pa ba si Sir?"

"Sana lumagpas siya ng fifteen minutes, please..."

"Davie, wala bang announcement galing kay Sir?"

Napabaling ako sa aking blockmate at umiling.

"Guys, saan tayo kapag wala si Sir?" Napangisi agad ako sa sinabi ni Hannie.

"Wala kayong lakad ng boyfriend mo?" Panigurado ko. Kasi kadalasan, kapag free time, kasama nila mga partners nila at ako naman na wala...uuwi na lang ng bahay.

Tumingin ako sa ibang kaibigan ko na luckily ay naka-blockmate ko ngayong sem. To be exact, pito kaming magka-barkada. Apat na babae at tatlong lalake pero lima lang kaming nagkasama sa buong klase. Mga Psychology students rin kami.

"Wala rin kayong lakad ng mga partner niyo?"

"May klase pa sila," sagot ni Louie na may girlfriend na taga BS Biology.

Tiningan ko si Javier na kinakalikot ang kanyang phone, probably texting his girlfriend.

Napatingin ako kay Millie na agad ngumisi sa akin. "Alam mong go ako dahil tayo lang namang dalawa ang walang partner. Mag-woman hunting ako tapos ikaw man hunting." Napailing-iling na lang ako. Millie is a lesbian, by the way.

"Tayo na namang dalawa nito?" Buntong hininga kong sabi.

"Kaya siguro walang lalakeng lumalapit sa'yo dahil akala nila magka-relasyon tayo," tawa-tawang sabi niya.

Yeah...Millie is known for being lesbian, though not for sexual love but platonic.

Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto at kaming lahat ay agad napahinto nang may dumungaw na isang estudyanteng lalake sa pinto.

Pumasok siya sa room at pumunta sa platform. "Who's the class representative?"

Agad akong tiningnan ng mga block mates ko. "Ako po." Agad akong lumapit sa platform.

"Velez, ikaw pala 'yan?" Rinig kong bati ng isa sa mga ka-block mates ko.

"Uy, dude, kumusta?" Agad siyang bumaling sa akin nang nakalapit na ako sa table sa harap. "Psych , right? Sir Pelaez?"

"Hmm," sabay tango ko habang nakatingin sa papel na hawak niya.

"He told me to send this work to this class tapos kailangan i-submit ngayon din." Binasa ko ang nakasulat at pagbasa ko pa lang ng "three essays" agad akong napatingin sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"Talaga?" Seryoso siyang tumingin tapos bigla siyang ngumisi.

"Joke lang. Naniwala ka naman. There are three essays to write. It's impossible to do it when you only have thirty minutes. Sabi niya ten pm ang deadline and it will be passed through mail."

Napabuga ako nang hininga at tumango. "Okay...thank y—" Hindi ako natapos sa pagsalita dahil paghakbang ko ay nahulog ako mula sa platform.

"Ayiiiieeeee!"

"Catch me I'm falling for you~"

"Davie and Velez, for the win!"

What the fck.

Bago ako nahulog nang tuluyan, nahawakan agad nitong Velez ang kamay ko. Agad akong lumayo sa kanya pero patuloy pa rin ang biruan ng mga ka-block mates.

"Love, hinay-hinay naman!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nitong Velez at malakas pa ang boses niya dahilan ng tilian ng mga block mates ko.

"The fck?"

"The heck, Davie? May love ka na pala! 'Di mo man lang pinaalam sa amin!" Pinanliitan ko lang ng mga mata sina Louie at Javier.

"Okay ka lang, love?" Sabi niya habang nakangisi at nakakabingi na rin ang tilian at sigawan ng mga ka-block mates ko.

Agad tumaas ang mga balhibo ko sa balat.

"Damoves mo talaga, Velez!"

"Velez is back on the track!"

"Kilabotan ka nga!" Sabi ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Mag-ingat ka sa susunod, love, ha!"

Pinandidilatan ko siya. "What the fck? Love? Hindi ka ba kinakilabotan?"

"Bakit? Ano bang gusto mong itawag natin sa isa't isa?" Sabi niya habang nakangisi.

Humalukipkip ako at saglit na napangisi.

You want this? I'll give you one.

Ngumuso ako sabay sabing, "Sweetypie."

The fck! Mas nakakakilabot!!

Nabigla siya sa banat ko habang naka-awang ang bibig.

"The hell! New ship!"

"All hail to SulliVie!"

I facepalmed. What the hell did I do?

"Okay, sweetypie. See you later!" Sabi niya sabay lagay niya sa palad niya sa ulo ko.

Bago pa ako maka-react, ay inalis niya agad 'yon at lumabas na ng room.

Unti-unting huminaw ang ingay. Nang huminto na sila sa pag-iingay ay agad kong kinuha ang kanilang atensyon.

"Oh, tuwang-tuwa kayo diyan?" Agad silang nagtawanan. "Oh, tumigil na kayo. May tatlong essay tayong gagawin at ipa-pass ngayong alas diyes ng gabi."

"Whaat?"

"The fck?"

"Tapos may oral recit pa next meeting?"

"World kill me!"

Iba't ibang reaksyon ang natanggap ko sa kanila.

***

Sullivan Velez sent you a friend request.

Confirm Decline

How I WishWhere stories live. Discover now