Heartlessly

10 0 0
                                    

"Aww! "- sigaw ng isang lalaki nang makatanggap ng napakalakas na hamas ng kahoy sa mukha.

"you damn loser!  just die! "- galit na galit na sigaw sakaniya ng isa pang lalaki habang pinaghahampas siya.

"Carlo!  Tama na!  P tangina! "- sigaw ng barkada niya habang inaawat siya sa paghampas sa lalaki

"Bitawan mo ko Chris!  Kundi ikaw ang hahampasin ko!"- sagot ni Carlo habang walang awang pinaghahampas yung bugbog saradong lalaki

"Ano ba?! "- at ginawa ni Chris ang lahat mapatumba lang si Carlo,  alam niya kaseng maaaring makapatay ang kaibigan niya sa mga oras na iyun lalo pa at lasing na lasing ito at nandidilim na ang paningin.

Agad tumakbo ang bugbog saradong kaaway ni Carlo,  kahit paika-ika na itong humakbang ay pinilit parin niya kesa malibing siya ng buhay ng binatang iyun.

Tinulak ni Carlo ang kaibigan.

"Putek Chris!!!  Anong ginawa mo ha?! "- sigaw niya sa kaibigan

"Lasing ka na! Nababaliw ka pa!
Wala na siya okay?!  Pinili na niya yung lalaking yun!  Di pa ba sayo malinaw ang lahat ha?! Wala ka ng pag-asa kay Sandra!  Dahil yung lalaking binugbog mo nayun?  Siya yung gusto niya!  Siya yung mahal ni Sandra! " agad siyang kinwelyuhan ng kaibigan,  "hindi totoo yan! "- sagit ni Carlo

"mahal ako ni Sandra... Mahal niya ko! Mahal niya AKO! mahal... niya... "
At napaluhod nalang siya  atsaka nabitawan ang kahoy na hawak niya

Napahinga nalang ng malalim si Chris habang pinagmamatyagan ang kaibigang unti-unting nanghihina sa mga sandaling iyun.  Taliwas sa pagkakakilala niya sa kaibigan ang nakikita niya sa mga oras na iyun,  kailanman,  hindi naging seryoso si Carlo sa babae,  at hindi siya basta basta nasasaktan ng ganyan dahil wala siyang puso,  yun ang pagkakilala niya sa kaibigan pero ang nakikita niya ay isang demonyong lumuluha at nasasaktan,  nahihirapan at sobrang nalulungkot.

"Sandra... "- at hinayaan nalang nitong mahulog ang mga luha niya sa lupang tutumbahan niya.

"Sabihin mo kay Sandra,  usap kami,  sabihin mo sorry kamo *hik* sabihin mo nagsisi-nasisisi na si Carlo,  *hik* di na daw niya *hik* uulitin. "- daldal ni Carlo sa kaibigan habang paliko-liko ang mga paa sa paglakad,  at kapwa nakapikit ang mga mata sa labis na kalasingan.

"Tapos,  tanong mo,  ano ba gusto niya ibibigay ko kahit *hik* wala na kong pera ahaha! Madali lang naman maghanap ng pera eh! Mas lalo kung para sakaniya..."

"alam mo yan kiw!  Alam mo kung gano ako kasipag at katiyaga kung para sakaniya,  alam mo yan eh! Nakikita mo nga kong sumusugod sa gitna ng palayan para lang makakuha ng kangkong para ibenta diba?  Ahaha!  Bawas pogi points putek. "
kwento niya sa barkada habang matyaga siyang hinahatid sa bahay nila.

"tapos nung umuso yung mga gagamba, sabi niya gusto niya mag-alaga,  pinakiusapan pa kitang samahan ako pumunta sa kagubatan para maghanap ng gagamba kahit naligaw na tayo, putek!  Tas nang makakita na tayo,  nagbrown-out pa!
Buti nalang may flashlight tayong dala kaya nakauwi pa tayo kahit paligoy-ligoy na yung daan natin,  tas pagkabigay ko sakaniya kinaumagahan,  tuwang-tuwa siya tas wala pa ngang sampung minuto pinalaban niya tas nang natalo,  nagalit pa siya satin saka tinapakan pa niya yung gagamba...kawawang gagamba. "- at pilit siyang tumawa kahit sa kaloob-looban niyang, nasaktan siya dun,  dahil nag-effort siya magdamag sa ganoong oras ng gabi,  di lang oras yung ginugol niya sa gagambang yun,  kundi pagod,  antok at takot,  tas ganoon lang?

Pinahiga na siya ng kaibigan niya sa kama niya pero deretso parin siya sa kakadaldal,  walang ibang bukambibig kundi yung Sandra.  He's really inlove with that brat,  and this person who roll its eyes while listening to its friend's monologues is the witness of how Carlo love that girl.

Amorosa SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon