Heartlessly II

3 0 0
                                    

Chris'

Isang buwan na ang nakalipas,  at tuluyan na nga niyang sineryoso ang paglimot kay Sandra,  mabuti naman at tinantanan na niya ang paghabol dun. At buti nalang talaga,  hindi siya ginantihan nung Patrick.

Bago kami dumeretso sa bahay,  nagdisisyon kaming kaming sa karinderya nalang kami maghapunan, anong oras na kase tsaka pareho na kaming gutom.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain,  buti naman at natutunan niya muling ngumiti, matagal-tagal narin kase yang di nakangiti ng ganyan kalapad.  Napangiti nalang ako habang tinititigan siya,  tini-treasure ang mga sandaling ganyan siya kasaya. Wala naman kase talaga akong hinihiling kundi ang maging masaya siya.

He suffered enough before.

"Excuse me,  did my charm made a lesbo mesmerize? "

At dun ako nagising,  putek.

"excuse me,  di kita type 'no!  Feeling ka rin ano?! "- depensa ko,  napatawa nalang siya sa ekspresyon ko.

"ang cute naman ng tibo kong kasama oh,  nagba-blush. " asar niya, napaiwas nalang ako ng tingin sakaniya,  putek bat ba ko nagkakaganito?  We've been together since birth,  but the heck?

"tigilan mo na nga 'ko, 
iiwanan kita. "- sabi ko sakaniya kaya napatahimik siya at umayos sa pag-upo.  Takot talaga siyang mawala ako,  buti at gumagana parin yung blackmail nayun sakaniya,  dati ko pa yang panakot at di ako makapaniwalang iniisip niyang maaari ko siyang iwanan.

Hindi ko yun magagawa.
Nginitian ko nalang siya.

Ilang minuto kaming tumahimik,  tss,  itong si Carlo di mabiro.

"Chris,  pag nagalit ka ba sakin,  iiwanan mo ba talaga ako? " seryoso niyang tanong,  at dun ako napahinto.

Hindi,  kahit na kulong-kulo na ng dugo ko sayo,  siguro di ako kikibo,  pero hindi kita iiwanan.  You're a part of me,  lumaki akong kasama ka,  kaya di ko maisip ang buhay kung magkalayo tayo.

"Maybe... " sagot ko sakaniya,  napayuko nalang siya at hinawakan ang kamay ko.  Muntik pa kong tumalon sa kinauupuan ko sa ginawa niya,  seryoso siyang nakatitig sa'kin.

"uwi na tayo,  tas bihis may pupuntahan tayo. "- anya at pasimpleng binitawan ang kamay ko,  syeta!  Ano ba tong nangyayari sakin?  Nakaramdam ako ng nginig alam mo yun?  Para akong kinadlatan,  isang matamis na kindat hahanap-hanapin ko.

Inakbayan niya ako habang naglalakad pauwi,  palihim akong napangiti.  Tinititigan ang anino naming dalawa sa harapan. 

At nagulat nalang ako nang tinanggal niya ang suot kong sumbrero kaya napalugay ang buhok ko.  Arrrg!

Sandali siyang napahinto at tinitigan ako ng mabuti...

"huy! "- sigaw ko sakniyang kanina pa tulala,  at napailing nalang siya saka tumawa ng mahina.

"the f ck? "- anya at binilisan ang takbo

"huy!  antayin mo ko bugok ka! "- sigaw ko sakaniya habang hinahabol siya pero mas binilisan pa niya ang lakad at napunta sa habulan.  Haaayst!  Itong lalaking 'to! 

Nauna siyang pumasok sa kwarto niya,  at linock ang pinto.

"magbihis ka na...bilisan mo. "- cold niyang sabi kaya dali-dali rin akong pumasok sa kwarto.

Tinitigan ko lang ang repleksyon ko sa salamin...  Ngayon ko lang ulit tinitigan ang sarili ko ng ganito katagal. At s mga sndling yun,  may naisip ako.

"wanna try being a girl atleast tonight.  baka magustuhan ko. " sabi ko sa sarili ko.

...

Amorosa SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon