1 A.M Love Story

72 9 0
                                    

II

"I thought, being his was defining happiness, but I realized at the end, that love really defines, Fear, Understanding and Patience,
That being his was sadness,
Sadness that I will choose to endure, than lose him."

🐙🐙🐙

Magdamag akong wala sa sarili dahil sa mga naganap kanina sa bus. Mamaya makakasabay ko siyang kumain tapos mag-uusap kami tapos, hahawakan niya ulit kamay ko, tapos hahalik--- wait nasobrahan naman yata Kendra ah, abusado ka na ah porke malaya kang mag-imagine jan.

"Huy Kendra, sama ka ba mamaya may laro basketball team natin eh, kalaban daw yata sina Gino, mga 3 ng hapon, tas after non, magpa-practice na tayo ng banda kase malapit na Culminating!"- pasigaw na sabi sakin ni Kadee kaya napatingin ako sakaniya.

"Galit ka ba?"- tanong ko sa kaniya habang nagpapacute.

"No, naiinis lang ako kase putik kaseng Gin nayan pa-special kala mo kung sino, pucha, may pa-quit-quit pa siya sa banda, gawin ko siyang kwek-kwek eh! Raaawr!"- Nanggigigil nyang sabi kaya bahagya akong napatawa, tumawa rin si Kristina na parang bata, pero alam kong may problema yan.

"Chill Kadee, haha! Mapagkakamalan kitang hayop eh!"- Krissy sabay tawa tiningnan naman siya ng masama ni Kadee, nagpeace-sign naman kaagad si Krissy at umupo.

"Ehem, so pano yan? Sino na magiging drummer natin?"-I asked

"Bahala na, kainis gipit na gipit na talaga tayo sa oras."-Kadee at inubos na agad ang isang baso ng halo-halo na hindi manlang niya hinalo. Reyna talaga ng ka-weirduhan yang babaeng yan, but still Cool.

"Wait, linunok mo ba agad ang mga yelo at kung anong sahog sa halo-halong yan?"- tanong ko

Tinapon niya muna ang plastic cup nsa basurahan saka sumagot, tss, ibang klase.

"Yes, Stress ako eh, kaya One food one Lunok."- Anya at nagbukas ng cellphone, "Wait tumatawag na si Baby ko."- dagdag niya at lumabas ng room.

"Minsan napapaisip ako kung normal pa ba yang Rhythm natin? Parang sinira niya ang reputasyon ng Halo-halo eh, di manlang niya hinalo yung mga sahog and worse, linunok niya lahat in just 2 seconds? Buo pa mga yelo non eh!"- di makapaniwalang sabi ni Krissy kaya nagtawanan kami at patuloy na nagkwentuhan hanggang sa may isang lalaking dumaan sa hallway.

"Ayieeeh, dumaan si Gino."- asar sakin ni Kristina kaya mahina kong sinuntok ang braso niya.

"Tumahimik ka Girl, kung ayaw mong magkapasa yang katawan mo."- mahina kong sabi sakaniya habang ngini-ngitian si Gino Mah Loves!

Kumaway naman siya sakin kaya nabaliw ang sistema ko, okay, kumaway lang siya Kendra, hindi ka kinuryente kaya umayos ka!

"Kendra, tara?"- Gino, at nagsihiyawan ang mga kaklase ko, okay, ehem, kalma Kendra, dahil kung hindi, mahihima---

"At san naman kayo pupunta?"-rinig namin galing sa likod ko, isang malalim at may pagka-dominante na boses.

"Resto?"-sagot ni Gino, damn it, dahan-dahan akong tumingin sa likuran ko at halos malaglag ang panga ko nang malamang si Gerald ang nagsalita, ang lalaking nanliligaw sakin, na ilang beses ko ng bina-busted.
Di dahil ayaw ko sakaniya kundi dahil may gusto akong iba. Yes, that's it.

"They're just going to hang out, and nothing else, wag kang mag-alala, and besides ilang beses ka na rin nyang binusted so, shut up."- Sagot ni Kadee na bigla-biglang sumusulpot kung saan-saan.  "Kadee..."- mahina kong sabi sakaniya, wala kase talaga siyang konsiderasyon sa mga sinsasabihan niya, that's how weird she is.

Amorosa SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon