A Minute Of Promises

29 9 1
                                    

Buong puso niyang kinaskas ang Gitara habang dinadama ang kalabog ng drums sa puso niya, pinapaalala kung gano kasarap magmahal, sa kabila ng sakit.

Di maiitatangging di niya marinig ang mga hiyaw ng madla habang pinapanood ang banda nilang ubod ng galing sa musika. Sila ang kinikilalang Romantikas, banda ng mga babae. Marami ang humanga sakanila, mala-Diyosang mga mukha, pero pag tumugtog, ibang klase, sila rin ang tinaguriang Girl Version of Kamikazee.

Nang mag-aadlib na si Kendra, biglang may humagis ng cellphone sa ulo niya kaya nahilo siya. Agad na tumigil ang concert, at tumahimik ang kaninang napakaingay na lugar.

"Who, threw this fckin phone to me?"-galit niyang tanong sa mic, walang umamin.

"We came here to entertain you, to perform and to thank all of you for supporting us, but guys! Respeto naman!"- Kadee, at agad humingi ng yelo, sandaling huminto ang palabas at kinausap muna ng iba nilang kamyembro ang mga manonood.

Tinignan ni Kendra ang phone na inihagis sakaniya at halos lumabas ang espiritu niya sa katawan niya nang masilayan ang nasa lock screen, it was a picture of her, with , Gino, they're kissing in the picture, and a memory flashed on her mind, that was the last moment of her with someone she loves.

Agad siyang tumayo at linibot ang paningin sa lahat ng anggulo. Mahigit isang libong ticket ang naubos sa concert na ito kaya alam niyang imposibleng mahanap ng maliit niyang mata si Gino sa ganon karaming tao.

"Para sa taong humagis ng phone na ito, nais ko sanang umakyat ka dito sa stage."- malambing niyang sabi, ang lahat ng inis niya kanina ay nawala nang maalamang makikita niya si Gino ngayong gabi.

Iniisip ng iba na may masamang gagawin si Kendra sa taong humagis ng phone pero di nila alam na sobrang nagagalak ang puso ng dilag kahit na umaangat na ang bukol nito sa ulo niya.

"Umakyat ka na, o hahanapin kita at pag nakita kita--"

Napalunok siya bigla ng laway ng may isang lalaking umakyat sa stage, mas gumwapo pa ito ngayon at mas naging maskulado pa ang pangangatawan. Mas naging maamo na rin ang mukha nito at hindi na mukhang manyakis gaya ng dati, at pormal ang suot na tila ba'y isang prinsipe.

Pareho silang ngumiti.

Agad naghiyawan ang mga tao. Saktong nakikiride rin ang camera man at kinukunan ang mga mukha ng dalawa.

"Nga pala, maki-extra lang, maraming nagtatanong sa tuwing may interview kami na kung bakit si Kendra lang ang single samin, and now, HE is the Answer."- at nagsipalakpakan ang lahat

"Kendra, salubungin mo na siya."- bulong ni Kristina kaya wala sa sariling tumakbo si Kendra at yinakap ng mahigpit si Gino.

"Hayst! Sabi ko salubungin lang."- Kristina

"I missed you so much Gino."- maluha-luhang bulong ni Kendra sa lalaki. Smelling his masculine scented collar then pecked on his neck. Gino's heart skipped a bit again.

"I missed you more."- he responded with his manly voice. The crowd went crazy.

"KISS!!!"- sigaw ng mga tao, agad na uminit ang mukha nilang dalawa at dahan-dahang idinampi ni Kendra ang bibig niya sa pisngi ng lalaki.

Apat na taon silang hindi nagkita, dahil matapos umalis ni Kendra, umalis na din si Gino at dun nanirahan sa Madrid ng apat na taon dahil namatay ang kaniyang ama, kaya siya nagdesisyong doon muna manirahan para tulungan ang Nanay niya sa pag asikaso sa kompanya at sa kapatid, kasabay ng pag-aaral niya.

Amorosa SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon