Chapter One- First Meeting

2.3K 30 4
                                    

Alexi: Hey! Thanks for reading this one. :)) I'm happy to see that this story earned some reads after some time. I'm hoping it can gain more, also votes and comments. I know this is a cliché story but I assure you it won't bore you especially with the hot scenes in here. And speaking of 'HOT' scenes there'll be one on the next chapter.

Buckle on your seatbelts, people coz for sure the next chap will blow your mind! HARHAR!

Chapter One- First Meeting

“Ito na siguro yon.” bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang papel at ang napakalaking gate na nasa harapan ko. Dito sa papel isinulat ni Agatha yung address nung magiging boss ko. Hindi daw niya kilala yung taong nagpapahanap ng PA pero sigurado naman daw siyang di ako mapapahamak kasi kakilala naman dawn g tito niya yung taong yun.

Nagtiwala na lang ako sa kanya. Sa mga ganitong pagkakataon kasi yun na lang ang magagawa ko lalo na’t kailangang kailangan ko talaga ng pera. Baka di na ko makapasok sa susunod na school year kapag di ako nakahanap ng trabaho. Graduating na ko at sayang naman kung ngayon pa ko titigil.

Agad kong itinago sa bag ko yung piraso ng papel. Inayos ko na rin ang sarili ko bago ko pinindot ang doorbell sa may gilid ng pagkalaki- laking mansion. Siguro matandang businessman ang pagta- trabahuhan ko? Good luck na lang saken. Sana di ako harass- in ng matandang uugod- ugod na yon.

*DING DONG*

 

Matapos ang pagtunog ng doorbell ay boses naman ng isang lalaki ang narinig ko mula sa isang machine.

“Who are you and what do you need?” simpleng tanong ng lalaki saken. Siguro ito yung driver or guard or kung sinuman siya. Diba sa mga mansion di naman yung amo ang nasagot sa mga ganito?

“Ako po si Adelaine Valderam. Ako po yung naga- apply na PA para kay Mr. F.” Mr. F ang tawag ni Agatha sa kanya kaya yun din ang tawag ko tsaka ayun lang daw kasi ang binigay na pangalan ng tito niya. Mukhang napaka- private talaga ng Mr. F na yun.

“Come in.” pagkasabing- pagkasabi ng lalaki ay awtomatikong bumukas ang malaking gate. Wow. Ang yaman talaga, pati gate automatic na. Astig lang.

Nang tuluyan nang bumukas ang gate ay pumasok na ko. Namangha naman ako sa paligid habang naglalakad ako. Pano ba naman kasi mas maganda pala rito sa loob. Kung maganda na yung labas, mas maganda pa rito.

Parang garden yung harapan ng bahay ni Mr. F. Napakaraming mabubulaklak na halaman sa paligid. Iba’t- ibang klase at halata mo namang alagang- alaga ang mga iyon. Siguro yung asawa niya ang nag- aalaga sa mga yun.

Di naman kasi mahilig sa mga halaman ang lalaki diba? Kalimitan mga girlfriends or mga asawa nila ang mahilig don? Parang ako. Kaya nga sobrang namamangha ako sa lugar na to eh. Mula pa pagkabata ay mahilig na ko sa mga halaman.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad nakarating na rin ako sa wakas sa loob ng mansion. Sinalubong ako ng isang kasambahay at siya ang naghatid sakin papunta sa opisina kuno ni Mr. F. Nang makarating kami sa tapat ng pintuan ay iniwanan na niya ako.

Her 'Other' JobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon