This chapter is quite longer than I've expected. I got carried away with the bed scene, I was trying too hard too perfect it. But I guess, I just made it look like a porn story or what. Tell me your opinions, I badly want to hear them. I think I'm not really good with those kind of scenes..
This chapter is dedicated for you for becoming a FAN and for sending that sweet message. Thanks alot! :))
Anyways, this chapter, like I've said contains scenes not suitable for young readers. So please...... alam niyo nang dapat niyong gawin. :)) Don't forget to vote and comment anyway.
Chapter Two- Uncontrollable Urges
Kinabukasan, maaga akong gumising para makapaghanda. Dadaan siya ng 5am kaya dapat before five ay nakaempake na ko. Bakit ba kasi di pa ko nag- empake kaagad? Heto tuloy ako, dali- dali sa pag- aayos.
Medyo nag- iisip isip ako tungkol sa mangyayaring pagtira ko sa mansion niya. Ano na lang kayang mangyayari pag tumira na ko ron? Makatulog pa kaya ko ng maayos knowing na may isang greek god malapit saken. Pano na ang katinuan ko? Ang hormones ko? Mukhang masusubukan ng todo ang katatagan ko ah? Dapat maghanda na ko.
Note to self: Masanay nang hindi natutulog with only underwears on.
Oo, natutulog ako ng naka- underwear lang. Pake mo ba? Walang basagan ng trip. Eh sa di ako komportableng matulog nang maraming suot eh. Naiinitan ako. Kahit naka- aircon pa, di pa rin ako makatulog ng maayos.
Pero ngayon, mukhang dapat na kong magsanay. Pano kung bigla na lang niya akong tawagin at naka underwear lang ako? Edi pandalas ako nun sa pagbibihis. Tsaka, di ko na sariling tirahan yun kaya dapat na kong masanay sa mga bagay- bagay.
Saktong alas- singko ay nakarinig ako ng busina sa labas ng apartment ko. Siya na siguro yun. Agad akong nagtungo sa salamin para i- check ang sarili ko. Maayos pa ring nakalugay ang buhok ko, buti naman at nakikiayon siya saken ngayon. Hindi siya nagfa- fly away ngayon. Pantay naman ang blush on ko, yung lipstick ko sakto lang. Okay na. Mukha na kong tao. Pwede na kong humarap sa kanya.
Hinagilap ko ang handle ng maleta ko saka naglakad palabas ng kwarto ko. Ch- in- eck ko muna kung may mga naiwan akong nakabukas na appliances or kung anuman. Nang masiguro kong okay na ay lumabas na ko.
Nabigla naman ako nang sa paglabas ko ay ang gwapong mukha ni Alex ang sumalubong saken. Hindi ko siya agad napansin kaya bumangga ako sa dibdib niya dahilan para masamyo ko ang napakabango niyang amoy. Body wash plus perfume plus natural scent equals to perfection! Shiz! Ang bango niya lalo na yung pabango niya. Halatang mamahalin kasi sobrang bango talaga at hindi yung tipo na masakit sa ilong.
“Good morning, Ada.” he greeted me in that handsome tone of his.
“Good Morning, Alex.” ganting bati ko naman sa kanya kasabay ang isang matamis na ngiti.
“Is that all your stuff?” nagtataka niyang tanong saken. Sabagay, sino ba namang hindi magtataka? Tatlong buwan akong titira sa bahay niya tapos isang malaking maleta lang dala ko.
“Hindi pa. Babalik naman ako rito sa Saturday. Saka ko na kukunin yung iba ko pang mga gamit.” sagot ko naman, tumango- tango lang siya.
BINABASA MO ANG
Her 'Other' Job
Fiksi UmumPersonal Assistant- yan ang trabahong pinasok ni Adelaine pero bakit may SEX involved? Oh right, that is her 'OTHER' job. For whom? Of course for the great Alexander Fortalejo- Philippines' Most Handsome Supermodel and Actor.