NOTE: Paki-play or download niyo ang
KASALUKUYANG nasa Funeral Home sila Raquel at Ale, pangalawang araw na ng lamay ni Gino. Nakiramay din ang mga katrabaho nito. Ngayon rin ang dating ng magulang ni Gino.
"My son!" napalingon ang lahat sa pintuan ng may isang ginang na sumigaw at tumakbo sa kabaong at humagulgol. Gino's mom. Habang ang lalaki naman ay lakad-takbong lumapit at umiyak. Gino's dad. Hindi mapigilan ni Raquel ang pagtangis.
Lumapit ito sa mommy ni Gino na grabe ang iyak.
"Mommy?" tawag nito sa nanay ni Gino. Mabilis naman siyang niyakap nito habang humahagulgol.
"Anak ko!"
Makalipas ang sampung minuto, nakatulalang naka-tulala ang ina ni Gino.
"Mom, do you want coffee?" alok nito. Yumakap lang ito sa kaniya at nagsimulang humikbi.
"No need hija. Pinatay niya ang anak ko ng walang kalaban-laban. Mga hayop sila." hinahagod nito ang likod ng mother-in-law 'sana' niya, kaso, wala na si Gino. Kumalas naman ito sa pagkakayakap at tsaka tinuyo ang basang pisngi.
"Hija?"
"Po?"
"Can I ask you something?"
"Yes po."
"Totoo bang hindi anak ni Gino si Yorito my lil'boy?" nanlaki ang mata ni Raquel sa tanong nito, nagsimulang tumulo ang mga luha nito. Handa siyang masampal, bilang kapalit sa pagiging walang kwentang ina niya, kung tutuusin kulang pa ang sampal dahil sa nangyari sa buhay ni Gino but, kung ito talaga ang nararapat para sa ikabubuti nila. Then go, handa siyang masaktan at kutyain, kakayanin niya kahit masakit. "So totoo nga?" dahang dahan na tumango si Raquel at agad na pumikit ihinanda niya ang sarili niya sa sampal na ibibigay nito.
"Don't worry, alam ko na."
"P-po?"
"Three days ago, tinawagan niya ako para ibalita 'yun. Nuong una hindi ako naniwala at sa totoo lang grabe ang galit ko sayo nu'n. Niloko mo ang anak ko pero alam mo kung anong sinabi niya?"
"Mom, huwag ka magalit sa kaniya. Alam kong may rason siya."
"Naloloko kana ba?! Rason?!"
"Mom, easy. Mahal ko si, Raquel. Huwag ka magalit sa kaniya mom, by the way I have to go. I love you."
"I love you too."
Bigla nalang naiyak si Raquel. Paano nagagawa ni Gino na pasanin lahat ng sakit na ginawa ni Raquel sa kabila ng kasalanan nito.
"Sorry, mom."
"Shhh.. Tahan na, hindi ako galit. Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko hija." parehas sila ngayong umiiyak habang magkayakap. "Pwede ko pa rin ba makita ang lil'boy ko?" kumalas ito sa pagkakayakap.
"Sure naman po." sabi naman ni Raquel habang tinutuyo ang basang pisngi. "Thank you po." tumango-tango lang ang nanay ni Gino. Bukas na ang libing ni Gino, hindi alam ni Raquel kung bakit hindi nalang sa linggo. Pero ang mommy ni Gino ang masusunod, alam ni Raquel na maging ang mommy ni Gino ay gustong isang linggo pero dahil sa business na hindi nila puwedeng i-cancel e, napilitan ang mag-asawa labag man sa kalooban nila.
Hindi alam ng mag-asawa kung bakit hindi valid ang reason na may patay sila, ganu'n na ba talaga ang business kahit na may emergency e, hindi puwedeng gamiting excuse? Kung hindi lang nakasalalay ang kumpaniya nila e, hindi nila sisiputin ang mga walang puso'ng businessman and businesswoman na iyon.
"Mom sure na po ba talaga na bukas ililibing si Gino?" tumango ito at napapikit kasabay ng pag-daloy ng luha sa kaniyang pisngi.
Bumuntong hininga muna ito bago nagsalita, "Gustuhin ko man pero, wala akong magagawa. Nakasalalay ang kumpaniya namin duon."
KASALUKUYANG lumalapit ang mga mahal sa buhay ni Gino habang ibinababa ang kaniyang kabaong sa ilalim ng lupa. Isa-isang tumayo ang mga mahal niya sa buhay upang maglaglag ng bulaklak. Lalo pang nagbigay lungkot sa lahat ng simulan ng patugtugin ang kantang; Ako Nalang Sana ni Mark Carpio.
Tanging iyak at hagulgol lang ang maririnig mo sa mga oras na 'yun lalo na ang magulang ni Gino na nakaupo na sa lupa.
"Tumigil kayo! Huwag niyong ibaba ang anak ko!" sabi ng nanay niya sa mga lalaking nagbaba ng kabaong ni Gino. Habang ang asawa ay ay yakap yakap ang asawa na nagwawala. Napakasakit sa damdamin na mawalay ang isa sa mahal mo sa buhay, pero anong magagawa natin life is too short. Hindi natin masasabi kung kailan tayo mamatay.
Kasalukuyang nasa kotse sila habang hinihintay magising ang anak ni Ale, lumayo muna siya duon dahil ayaw niyang maiyak lalo na kapag nakikita ang babaeng mahal niya na umiiyak, baka hindi niya kayanin at baka mahawa siya sa pagiging emosyonal ng mga tao duon.
"Tito Ale? Nasan po sila mommy and Mama-La?" tanong ng bagong gising na bata.
"May pinuntahan lang. Ahhm... Yorito, puwede ba ako mag-request?"
"Ano po 'yun?"
"Puwede bang Daddy nalang ang itawag mo sa akin?"
"Bakit naman po?" takang tanong ng bata.
"Kasi ako ang tunay mong daddy."
"Alam ko po." nagulat si Ale sa sinabi ng bata, five years old palang pero, naiintindihan niya agad. Bibihira ang mga batang ganito kung mag-isip, napaka-mature. Naalala niya tuloy ang sarili niya sa anak niya nuong bata siya ang pinagkaiba, mas mabilis mag-isip ang anak niya. Walang kupas na siya talaga ang ama ng batang ito, napakarami nilang personality.
"Huh?"
"Kasi nga po, sinabi sa akin ni mommy, sabi niya secret lang daw at ang secret ay hindi puwede ipagsabi kahit kanino."
"Bakit hindi mo sinabi sa Daddy Gino mo?"
"Shhh..." sabi ng bata na ika-kuno't ulo naman ni Ale. "Baka marinig ka ni Daddy, secret lang daw 'yun ni mommy."
"Ahhmmm.... Anak, hindi ka na maririnig ng daddy Gino mo?"
"Bakit po? Nabingi na po ba siya?" hindi alam ni Ale kung paano ito sasabihin sa bata. He's too young kaya paano niya maintindihan ito. Ayaw niyang masaktan ang bata but. Kailangan din n'ya iyong malaman. Napansin ni Ale na nag-aalisan na ang mga tao kaya kinarga ang anak niya at lumabas ng kotse at lumakad papunta ruon, baka sakaling makasalubong si Raquel pero pa-ubos na ang mga tao duon pero walang Raquel kaya minabuti niyang dumiretso sa loob ng simenteryo upang sunduin na ang ina ng anak niya.
"Napakadaya mo talaga, bakit mo ako iniwan ng ganun-ganun nalang? Bakit?!" napahinto siya ng makita at marinig si Raquel na sumisgaw at nakaluhod habang umiiyak.
"Sabi mo papakasalan mo ako? Madami pa tayong pangarap sa buhay sa pamilya natin pero iniwan mo ako, dapat lumaban ka. Alam mong mahal na mahal kita, at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." hindi napigilang tumulo ang luha ni Ale, para bang dinudurog ang puso niya. Ayaw niyang nagkakaganito ang mahal niya, kahit na may ibang mahal ang minamahal niya. Ibinaba niya ang bata at sinabing, "Yakapin mo si mommy mo. Sabihin mo tahan na." mabilis na tumakbo ang bata sa nanay nito at mariin na niyakap, lumingon si Raquel sa kinaroroonan ni Ale pero tanging tango lang ang ibinagay ng binata kay Raquel na para bang sinasabing iiyak mo lang lahat ng sakit at pagkatapos ay gagamutin niya ang sugat sa puso ni Raquel. Lumakad ito dahil ilang hakbang nalang naman ang agwat, mabilis na yumakap si Raquel kay Ale at umiyak sa bisig nito ang anak naman niya ay yumakap sa tuhod niya. Pinapatahan niya ang babaeng nakayakap sa kaniya.
"Ayos ka na ba?" tanong nito sa babae ng tumigil na sa pag-iyak. Tumango naman ito. "Tara na, tutulungan kitang mag-ayos ng gamit ni Gino." lumakad si Ale habang karga ang anak at nakahawak sa kamay ni Raquel. Lumabas sila ng simenteryo at agad na pinagbuksan ng pinto si Raquel ni Gino sa passenger seat.
"Thank you." malungkot na sabi ni Raquel. Ibinagay niya ang anak niya sa babae at umikot papunta sa driver's seat. Pinihit nito ang susi nang umandar ay mabilis na iniabante nito ang sasakyan at pagkatapos ay pinaandar na niya paalis ang kotse.
BINABASA MO ANG
Sweet Distraction: Alejandro Buenaventura ✓ [R-19+]
RomanceBuenaventura Trilogy: Two: Sweet Distraction Warning: SPG || R18+ || Matured Content || Not suitable for young readers. Kilala bilang matinik pagdating sa babae si Alejandro Buenaventura, walang gabi na wala siyang naikakama sa tuwing nagagawi...