Louise POV
Ako si Louise labing pitong taong gulang. Nasa ika apat na baitang sa secondarya.
"Hintayin na lang natin sila sa bench!" Naiinis na wika ko sa mga kaibigan ko. Nandito kami ngayon sa harap ng klasroom ng isa sa kaibigan ko. "Mapapagalitan pa tayo ni ma'am palisok dito eh!" Uwian na noon at nais nya pang makita kahit sa huling sandali sa araw na iyon ang pinakamamahal nya.
"Nakuu Louise Maria Jane Destajo Aragon! Sandali na lang di ka pa makapaghintay !" Naiinis nang baling ni Judel sa kanya.
Bukod tangi niyang kaibigan si Judel. May pagkabading kasi ito pero nagkakagusto parin naman ito sa babae. Ang asar nga dito ng mga kaklase nila ay silahis.
"Errgg.. Nakakainis ka naman Judel. Alam mo namang ayokong nababanggit yung whole name ko eh! " Nakasimangot na sabi nya.
"Manahimik ka muna kasi. Kanina ka pa nagrereklamo eh." Pagpapagitan ni Julie. Kaibigan nya rin ito.
"Kasi naman eh! Gusto ko ng makita si Dash!" Maktol ko ulit, tas nagpapadjak ako ng paa.
Napatawa na lamang si Jerlyn sa inasal niya. Eh sino ba naman kasing seventeen years Old ang aakto ng ganun? Kundi ako lang naman haha.
"Hay naku, eto na naman tayo." Napabuntong hininga siya. I knew it! Panalo na naman ako haha
"Julie, baba na tayo." Pinalungkot ko pa ang muka ko para mas makumbinsi ko siya. "Sige na."
"Ikaw na lang muna ang bumaba, kami nama'y maghihintay kina Charles." Suhistiyon ni Julie.
"Okay. Salamat Julie! Baba na ko hintayin ko na lang kayo sa baba." Tumalikod na ako sa kanila kahit nag-uusap pa sila. Haha dito ako magaling sa pagtakas at pagtago.
"Masyado ka talagang madaya Julie."
"Alam mo namang inlove yung tao eh!!!"
"Kailangang isigaw ?" Ako.
"Ay! Dinig mo pa yun? Hahaha"
"Tawa pa Judel! Tss."
* * * *