Louise POV
Nakauwi na ko ngayon munti naming bahay. Di na kami masyadong nagtagal sa bangketa. Nag iba kasi mood mo Charles at ayoko muna siyang usisain, malihim yun pero di naman ako mahilig manghimasok sa privacy ng ibang tao.
"Ma, nandito na po ako!" Medjo pasigaw kong paalam sa nanay ko kasi malamang nasa likod bahay pa yun.
"Louise, nandito ako sa likod!"
"Kayo ho bay kumain na?!" Oo sa maniwala kayo o hindi, maalalahin akong anak.
"Tapos na anak. Nauna na ko saiyo, abay katagal mo eh."
Labandera si nanay at wala na akong tatay. Sumakabilang bahay daw sabi ni nanay, ayos lang naman sa kanya kasi matagal na. Kaya wala na din akong pake.
Alam nyo bang may part time job ako? Dishwasher. 63php/hour inaabot ako ng limang oras at lingguhan ang sahod. Ayos na din may pang projects ako diba. Diskarte lang yan.
"May pasok ka ba ngayon baby?" Si nanay.
"Opo nay."
"Anong oras na ah. Kumain ka muna bago umalis."
"Naku nay, Busog pa po ako. Kumain kasi kami sa bangketa ng mga kaibigan ko." Sabi ko habang nagsusuot ng uniform. Violet polo shirt at pantalon. Sumilip ako sa salamin. "Parang ang ganda ko, Haha!" Sabi ko sa sarili ko.
"Naku anak malamang maganda ka. Nagmana ka sa akin eh!" Tumawa kaming dalawa sa sinabi nya.
"Sige po Nay, alis na po ako." Humalik ako sa pisnge nya.
"Mag iingat ka."
* * * * *
Jushua POV
Hi I'm Jushua Jimenez. 18 years old. Class A.
Minsan gusto ko ng sumuko. Kasi kahit anong gawin kong papansin sa kanya di nya ako makita puro na lang sya 'Dash, Dash, Dash!' Hello Louise! Ang bulag mo. Nandito ako patay na patay sayo!
Hindi kmi magkaklase kasi section D sila. Kumbaga average lang kaya ng utak nya. Don't get me wrong, Hindi ko siya minamaliit ah! Kabaliktaran pa nga. SINASAMBA ko siya.
Pano ko sya nakilala? Simple lang classmates kami nung first year high school. Crush ko siya noon pero ngayon hindi na crush eh. Ewan ko nagising na lang ako na gusto ko na siya.
Mali. Let me correct that, MAHAL KO SIYA.
"Hoy Josh!" Boom. Ayan na tumatakbo na puso ko. Hindi pwede to. Kailangan matikas! Baka na T.O to!
