"Ang tagal namang bumaba nina Dash!" Nandito ako ngayon sa bench at kanina pa ko naghihintay pero hindi ko parin nakikita ang kanyang pinakakahintay.
"Oh, Wala pa? " Nakangiting tanong ni Edelyn.
Ang kanina nya pa hinihintay ang tinutukoy nito.
"Tsk tsk nang aasar ka pa!" Nakasimangot na sita ko sa kanya. "Iniwan ko na nga sila Julie dun para lang makita sya. Tapos wala akong mapapala." Napabuntong hininga ko.
"Speaking of.. Here they come." Anunsyo nito sa kanya.
Napatingin siya sa direksyong tinatahak ng mga mata nito at tama nga ito. Sila Julie parating na.
"Ang tagal nyo naman." Sinalubong ni Edelyn ang mga kaibigan nila.
"Si Sir Varron kasi 'antagal magpa-uwi." Si Charles.
"Yung boyfriend mo Jerlyn?"
Nagkibit balikat lang siya tapos sumagot. "Pababa na ata"
"Bakit parang I smell something fishy." Si Ed. Mapang asar talaga to.
"Kasi nakita nyang may kausap na na magandang girl yung boyfriend nya." Pagbibigay ng impormasyon ni Charles habang nakatawa.
"Tumigil ka nga jan Charles, mababatukan kita!" Si Julie.
"Don't make fun someone else's misery. Most especially mine." Jerlyn.
"Luh? Galit ka na nyan Jing?" Mikee .
Tumingin ng matalim si Julie kay Mikee. "Haha Chill lang kayo guys."
"By the way tara na't ako'y nagugutom na." Pag-iiba ni Edelyn sa usapan.
"Kumusta ka naman jan Louise?" Mikee
"Ayos lang. Buhay pa." Sa ngayon. Gusto ko sanang idagdag pero masyadong OA.
"I mean nakita mo na ba sya?"
"Let's not talk about it na lang."
"Bakit? Siguro hindi mo pa sya nakikita nu!" Si Judel.
Bumuntong hininga lang sya bilang pagtugon.
"First Love never dies." Nakaarko ang kilay ni Charles. "Devil naman yang si Dash eh. Playing safe, mayabang at playboy! Tapos you still feel that so called Love for him?"
"Anong magagawa ko? Mahal ko sya eh!"
"Right! You and your foolishness!"
* * * *