Kabanata 8: Lipat bahay.

185 19 29
                                    

[ Alren's POV ]

After nung sinabi ni Mr. Lee na okay na daw yung pagbabayad ng new condo ni Shen ay umalis narin kami.

Dineliver narin agad agad sa amin yung papers na kailangang pirmahan ni Shen.

Basta naayos na lahat. Haha, tinatamad akong mag-isa-isa eh.

Nga pala..

Dito daw matutulog si Bestie!!! Haha, yep. Bestie tawag ko sa kanya. And di pa niya alam. Hoho.

Nasa kusina kami ngayon, nagdi-dinner. Nagpa-deliver nalang kami ng food.

"Kakaiba pala ang mga pakain dito ano?" Sabi niya.

"Eh? Ngayon ka lang ba nakakain ng Beef Stew?" Tanong ko.

"Oo tama ka. B-beef stew pala ang tawag dito. Ang sarap!" Nakangiting sabi niya.

"O, bakit bigla-bigla kang nangungurot ng pisngi dyan?" Tanong niya.

"HAng cute mo kasi eh. Tss. Kung lalaki lang ako, niligawan na kita! Pero, sorry ka.. naging babae ako, kaya pareho tayong maganda! Hahaha." Sabi ko.

Totoo. Nakaka-tibo ang ganda niya.

"Hahaha. Hay naku, baka naman palusot mo lamang ang mga sinabi mong gusto mo akong maging kaibigan para mapalapit ka sa akin sapagkat may lihim kang pagtingin ha. Hahahaha, pasensya ka na rin, hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae. Hahahaha."

"Hooy!! Grabe ka! Hahaha. Anong lihim na pagtingin ka dyan! Pero pwede rin! Hahahaha. Ang gwapo ko siguro kapag naging lalaki ako. Hahaha."

"Baliw! Mas maganda ka kapag babae."

"Naks naman. Baka ikaw ang may lihim na pagnanasa sa akin nyan ah. Hahahaha."

Pagkatapos naming kumain/magtawanan ay nag-ayos na kami para sa pagtulog.

Pinahiram ko siya ng mga pantulog as usual haha.

"Naku naman. Ang dami mo nang pinahihiram sa akin." Siya.

"Wala yun. Ah.. ito nga pala, baka bukas hindi na tayo magkita, may family date kasi kami ng family ko eh. Kaya eto suotin mo bukas ah." Sabi ko sabay bigay ng dress and jeans with blouses. Pati mga undies.

"Ah.. sige salamat talaga ha. Ingat ka bukas!" Sabi niya.

"Haha, oo naman. Ako pa! So.. tara na?" Sabi ko.

"Dito na lamang ako sa upuan niyo matutulog. Nakakahiya na masyado." Sabi niya sabay upo sa may sofa namin.

=_=

"Ano ka ba. Hindi tayo dyan matutulog. At isa pa wag ka nang mahiya." Sabi ko sabay hila sa kanya sa kwarto ko.

"Ayan. Dyan tayo matutulog. Tabi na tayo sa kama at queensized naman yan. Wag ka nang mahiya sakin 'no! At isa pa.. wala naman akong gagawing masama sayo 'no!" Sabi ko sabay higa sa kama ko.

"Hahahaha. Ang baliw mo 'no! Hindi ako ang nagsabi niyan!" Sabi niya tsaka narin humiga.

"Eh mas baliw ka. May asawa na ako ano ba! Magagalit yun. Hahaha." Sabi ko.

"Ayos lang, hindi naman niya alam. Hahaha, ano kasing pangalan niya? Soju? Suju? Suhol? Ano?" Tanong niya.

"Hahahahaha. Anong suhol ka dyan. SUHO!" Sabi ko.

At dun na lumipas ang oras hanggang sa makatulog na kami.

- - - - - - - - - -

Kinabukasan..

[ Suho's POV ]

Nasa tapat ako ng isang convenient store ngayon at nagpa-plano kung ano ba ang bibilhin ko.

Ancient PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon