Sa Nakaraan..
[ Shen Ki's POV ]
"Ika'y makikipag-isang dibdib na sa susunod na linggo kay Prinsipe Dao Shin Xian, mahal kong prinsesa." Wika ni Amang Hari - si Haring Yunshu sa akin, isang umaga habang ako ay nagbabasa ng aking paboritong libro.
Sapagkat iyon lamang ang aking mapagkakaabalahan dito sa Palasyo. Kung minsan nama'y binibisita rin ako ng aking mga kapwa prinsesa't mga prinsipe mula sa iba't ibang dako ng bansa.
Dito lamang ako nakakulong..
Tila isang munting ibon na pinutulan ng mga bagwis at hindi makalipad-lipad sa kaniyang paroroonan.
Ngunit hindi ko naman taglay ang kakayahang makaangal o kung ano pa man sapagkat ito na ang nakasanayan ng aming angkan at mga nasasakupan..
Na tanging sa kani-kanilang bahay lamang mamamalagi ang mga kababaihan.. at hihintayin lamang nila ang panahon na kung saa'y ipapakasal na sila sa taong napusuan ng kanilang mga magulang.
"Ano po? Ngunit mahal kong ama.. Ni hindi ko po nakikilala ang aking makakaisangdibdib pagkatapos ay ipakakasal ninyo na ako sa isang linggo?! Tila'y hindi po wasto ang desisyon ninyong iyan!" - Ang sagot na nais lumabas sa aking bibig..
Ngunit iba ang aking naisagot..
"Ganoon po ba Ama? Napakagandang balita naman po niyan. Mabuti't nahanap niyo na po ang karapat-dapat na maging tagapag-mana ng inyong trono, at ang aking magiging kabiyak." Nakangiting pilit kong tugon kay ama.
Nag-iisang anak lamang ako ng Hari at nasaktuhan pang isa akong babae. Kaya naman naghahanap na si Ama ng aking mapapangasawa at magiging tagapag-mana ng aming Kaharian. Ang aking butihing ina nama'y matagal nang suma-kabilang buhay.. pumanaw siya dahil sa isang malubhang sakit.
"Natutuwa ako't masaya mong natanggap ang aking pasiya, anak. Siya'y makikilala mo na bukas kasabay ng pagbisita niya sa ating Kaharian at pagbibigay ng kanyang mga handog."
"Naiintindihan ko naman po iyon ama. O sige po.. ako'y mag-hahanda na para sa aming pagkikita bukas." Wika ko.
"Sige. Maiwan na kita, prinsesa ko." Wika ni Ama at tuluyan nang lumisan sa aking silid.
Kasabay ng pagsara ng pinto sa aking kwarto ay ang pagtulo ng luha ko.
Shen Ki Shun ang aking ngalan. Isa ako sa apat na prinsesa sa buong Korea. Kabilang ako sa mga angkan ng SHUN - ang pinakamakapangyarihang angkan dito sa bansa.
May apat na angkan sa Korea..
SHUN - Pinakamataas na angkan na namumuno sa dakong Hilaga na sinundan naman ng..
-XIAN, pangalawa sa pinaka may kapangyarihan na siyang may kontrol sa Silangang bahagi ng bansa..
-LU, pangatlo na namamahala sa mga lupain sa dakong Kanluran at..
-DIEN, ang panghuli na ang kapangyarihan ay nasa Timog na mga lalawigan.
Ngayong henerasyon na ito lamang nangyari na babae ang unang naging anak ng Hari ng Shun. Bukod sa aking ama, lahat ng mga hari ng ibang angkan ay pawang mga lalaki ang unang anak at pumapangalawa lamang ang mga anak nilang babae.
Ang prinsesa ng Shun ay dapat makapangasawa ng isa sa mga prinsipe ng apat na angkan sa pagsapit ng kaniyang ika-labingwalong kaarawan.
At ang aking ika-labingwalang kaarawan ay sa susunod na linggo na.
Tulad ng aking nasambit hindi ako makaka-angal sa anumang ipag-utos o sabihin sa akin ni Ama sapagkat bukod sa siya ang Hari na nararapat naman talagang sundin ninoman hindi lamang ng aming angkan kundi ng buong bansa, ay siya rin ang aking Ama na pinagkakautangan ko ng aking buhay.
Malaki ang ekspektasyon sa akin ni Ama at ng aming buong angkan, hindi ko dapat sila biguin.
Isang perpektong prinsesa ang inaasahan ng lahat..
Kaya't isang perpektong prinsesa ang ipapakita ko sa kanila...
BINABASA MO ANG
Ancient Pages
FanficPrinsesang tinitingala sa nakaraan.. Prinsipe kung ituring, na tinitilian sa kasalukuyan.. - - - - - Babaeng tinatangi at kagalang-kagalang.. Lalaking pinapalakpakan at kinababaliwan.. - - - - - Prinsesang magiging karaniwang tao.. Sikat na personal...