[ Shen's POV ]
*sniff* *sniff*
A-ano ba itong kakaibang amoy na aking nalalanghap?
Iminulat ko ang aking mga mata at..
*cough* *cough*
Bakit naman ang usok masyado sa lugar na ito?
"Nasaan ako naroon? Saang lupalop ako napadpad? Anong klaseng lugar itong aking narating?"
Tanong ko sa aking sarili.
Subalit sandali..
Hindi naman ganito ang itsura ng aming palasyo? At isa pa, bakit nasa labas ako?
Ano bang nangyayari?
Ang aking huling natatandaan ay..
Araw na ng aking kasal kay Prinsipe Dao Shin Xian at pumunta siya sa aking silid at kami ni Lerya'y sinaktan.
Pagkatapos ay nagbanta pa siya sa akin nang masama.
Matapos mangyari iyon ay nakita ko na lamang na nasa aking tabi na ang Aklat ng Araw at Buwan at biglang ito nagbukas.
May binasa rin akong mga salita at pagkatapos ay sobrang nagliwanag ito kasabay ng pagdilim ng paligid ko.
Hanggang dun lamang ang aking natatandaan. Pagkatapos ay pagkamulat ng mata ko ay.. naririto na ako.
Sa lugar na ito.
Lugar na hindi ko alam kung saan..
Sigurado naman akong hindi ito Korea sapagkat hindi ganito ang klima rito at hindi rin ganito ang mga estraktura ng mga tahanan doon.
Kakaibigang lengwahe din ang aking sinasalita.Kung ganon, saang lugar ito?
At paano ako nakarating dito?
Ang natatandaan ko pa ay nagkasugat ako sa bandang noo na dahilan nang pagdurugo nito.
Ngunit ngayon, ay wala na ito..
Ano bang nangyari at nangyayari?
Hindi masasagot ang aking mga katanungan kung wala akong pagtatanungan.
Naglakad ako nang hindi kalayuan at maraming tao na agad ang natanaw ko.
Nakita ko ang mga kasuotan na suot nila at napatingin ako sa aking kasuotan.
Tila masyadong nalalayo ito sa kanila.
Lumapit ako sa isang may gulang na babae at yumuko muna ako bago magtanong.
"Paumanhim ho, nais ko lamang pong itanong kung saang lugar itong ating kinaroroonan?" Tanong ko sa isang ginang.
Tinignan niya muna ako at ang aking kasuotan na may pagtataka sa kaniyang mga mata at tsaka sumagot.
"Nasa Pilipinas tayo ineng, partikular nandito tayo sa Makati City. Ayos ka lang ba?" Sagot niya.
P-pilipinas?
Parang narinig ko na iyon sa ilang mga pinag-aralan namin noon.
"Opo, ayos lamang po ako. May isa pa po akong katanungan.. anong.. anong panahon na po ba ngayon?" Tanong ko ulit sapagkat napansin ko rin na moderno na ang estilo ng mga bahay at iba pang gusali rito. Maging ang kasuotan ng mga tao.
"Panahon? Ang lalim mo namang magsalita. Baka ang ibig mong sabihin ay kung anong petsa na ngayon. June 18, 2016 na. Sa tingin ko hindi ka ayos ineng. May problema ka ba?"
J-June 18, 2016?
2016?!
2016 na sa panahong ito ?!
BINABASA MO ANG
Ancient Pages
FanficPrinsesang tinitingala sa nakaraan.. Prinsipe kung ituring, na tinitilian sa kasalukuyan.. - - - - - Babaeng tinatangi at kagalang-kagalang.. Lalaking pinapalakpakan at kinababaliwan.. - - - - - Prinsesang magiging karaniwang tao.. Sikat na personal...