Kabanata 13: Suho

264 15 64
                                    

[ Xiumin's POV ]

Nang makaalis na yung dalawang babae..

"Haha, ayos din yung dalawang babaeng yun ah!" sabi ni Tao.

"Oo nga, hahahaha.. hindi ko lang maimagine kung papaano ka sinapak ng bakya nung Shen, Luhan. Hahaha." tawa naman ni Chen.

"Wag mo nang imaginin pa, sinasabi ko sayo.. masakit masapak ng bakya 'pre." sagot naman ni Luhan.

"Tigilan niyo na yan at nang makauwi na tayo.. nakakatamad pumasok bukas.." sabi ni Suho.

"Naks! Pers taym 'to Leader ah! Hahaha, UWIAN NAAA~" maingay na sabi ni Chanyeol.

Naghiwa-hiwalay na kami at nagkanya-kanyang uwi.

Papunta na akong parking lot.
Hindi kasama yung parking lot sa school grounds.. hiwalay siya..

Nang makalabas na ako ng school grounds..

May narinig akong sigaw ng isang babae na parang nahihirapan..

"A-aray! Ano ba! Aaccckkk--" sabi nung babae-- SHEN?!

Bakit siya sinasabunutan nung babae kanina sa classroom na nagsabing sakin daw ang puso niya.. Sharly ata..?

"Para 'yan, sa panglalandi mo kay Xiumin.. ano? Masakit? Eto pa!!!" sabi ni Sharly sabay diin ng sabunot sa Shen.

Yung kaibigan naman niya na may gusto ata kay Suho eh sinisipa-sipa yung Alren na walang malay.

"H-hoy! Tigilan mo si Alren!" sigaw ni Shen kay Stacey.

"Aba Shen, yung sarili mo muna ang asikasuhin mo bago ang iba!" sabi naman ni Sharly at sinabunutan pa si Shen.

"Bitawan mo siya.." sabi ko na ikinagulat ni Sharly.

"X-Xiu-min?" gulat kaya't utal-utal niyang sabi habang hawak parin ang buhok ni Shen.

"Ako nga, ano pang hinihintay mo? Bagong taon? Dude tapos na 'yun! Bitaw na!" sabi ko.

Binitawan naman niya si Shen.

"Hoy! Ikaw dyan! Tumigil ka nga!" sabi ko naman dun sa Stacey.

"X-Xiumin.. a-ano kasi--"

"Ano? Would you girls care to explain kung anong ginawa niyo sa kanila?!"

"U-uhh.. ano kasi.. n-nothing! W-we just hate them!" sagot nung Stacey kasi hindi makasagot yung Sharly.

"What the f*ck?!" sabi ko.

Natameme naman sila at mukhang malapit nang maiyak.

"Move." sabi ko at nagtakbuhan naman sila.

"Hindi mo naman sila kailangang sigawan. Tsk." sabat naman ng isang 'to sabay takbo papunta dun sa kaibigan niya.

"ALREN! ALREN! Gising!" sabi niya habang tinatapik-tapik yung mukha ng kaibigan niya.

Pinuntahan ko rin sila.

Tinignan ko yung kasama niya at pinulsuhan.

"'Wag kang mag-alala, buhay pa yang kaibigan mo.. nawalan lang siya ng malay." sabi ko sabay tayo at buhat dun sa kaibigan niya.

"H-hoy teka! San mo dadalhin si Alren ha?!" tanong ng isang 'to.

"Malamang sa clinic ne'tong school, alangan namang sa Party Club at magparty tayong tatlo dun. Psh. Hindi pa naman sarado 'yun at mas malapit pa.. o kaya kung ayaw mo.. titigan nalang natin siya buong maghapon't magdamag." sagot ko.

Ancient PagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon