"Dati ako lang ang nagpapatawa sa 'yo nang ganyan. Dati ako lang. Dati...Noon hindi mo kaya mag-isa. Ngayon kaya mo na. Noon ako ang lagi mong kasama sa tuwing kailangan mo nang masasandalan... ngayon, sino na?
Kathang isip ko nga lang ba ang pagmamahal na ipinakita mo? Akala ko nga lang ba katulad ng sinabi mo?
Kaya nakaya mo akong iwan? Kaya nakaya mo akong saktan? Kaya nakaya mo na nang wala ako?
Sana makalimutan na kita.
Sana makaya ko na rin nang wala ka katulad nang pagkaya mo nang wala ako.
Ang sakit. Hanggang ngayon, masakit pa rin."