"Malungkot ka siguro sa bahay niyo."
Bahala na nga siya diyan! Uuna na akong pumasok. Baka may maisip na naman siyang kalokohan!
"Maligayang pagdating Mandy!"
Ang bongga naman ng ayos!
Makakamay naman sila sa 'kin, para akong konsehala. Char!
"What happened to you, Edrick?"
Nakakaloka naman ang tangkad nito!
"Hello, Mandy."
'Ang gwapo niya!'
"Patay ka, Mands!"
Bigla kong na-miss si Jenny. Siya lang ang tumatawag sa 'kin ng Mands, eh.
"Huy, Mands! Tignan mo si Edrick, oh! Inaway mo ata! Lagot ka!"
Kanina lang ang saya-saya niya tapos ngayon... Ako ba talaga ang dahilan?
May nasabi ba akong masama?
Grabe naman. Kakakilala pa lang namin tapos sisimangutan niya ako kaagad?
Halatang pilit lang ang mga ngiti niya at mukha talaga siyang nasaktan. Hala!
"May nasabi ba 'ko?"
Ayaw na niya ako pansinin!
Tumawa siya bigla.
Baliw na ata 'tong lalaki na 'to.
"Patay talaga itong si Mandy. Siya naman ngayon ang nakursunada nitong si Eddy."
Kursunada?
"Nah. Hindi ko siya gusto. Masarap lang talaga siyang pag-trip-an."
"Ako rin naman!"
Hindi ako nagpapadala sa looks, 'no!
"Siguraduhin mo lang, Edrick."
Hindi ako magpapaloko. Mukhang hustler sa panloloko 'tong mokong na 'to eh!
"She's not my type."
"Hindi rin kita type!"
"Woah, first time!" Aliw na aliw naman sila masyado.
Halos lahat ba ng babae na mapadikit sa kanya ay nagkakagusto?
"'di pa ba tayo kakain?" Gusto ko na kumain!"
Mukhang mayayaman ang mga ka-member ko ah. Ang gagara ng mga handa. May mamahaling pizza, may chocolate fondue pa!... grabe naman sila mag-welcome!
"Enjoy the food! Huwag kang mahiya." Ang ganda naman nito!
"Kain ka lang diyan para naman hindi ka liparin ng electrifan na naka-number 3." Halos matumba ako sa pagbunggo niya. Naasar na ako sa kanya pero...
May bago na akong crush. Wait, sana mabait siya para tuluy-tuloy na. Crush lang naman!
**********