from the present

61 5 0
                                    

"'Nak, 'yung mga luma mong gamit eh hindi ko itinapon. Baka kasi hanapin mo bigla."

Bakit hindi niya itinapon? Hindi ko kayang itapon 'yun. Kapag itinapon niya ngayon, pipigilan ko na naman siya.

"Ma..."

Hay.

Na'ndito pa lahat? Bakit ko ba kasi inipon ang mga 'to? Bakit ba ang laki nang pagpapahalaga ko sa mga memories? Ayan tuloy. Hindi ko siya makalimutan.

Bakit ba required sa school na 'to ang sumali sa isang club? Gusto ko lang naman na mag-focus sa pag-aaral ko para makatapos at mapauwi na si Mama na nasa ibang bansa.

Wala talaga akong mapili!

"Hi Ma'am! Sa 'min ka na sumali!"

Kaya siguro ang lalaki na 'to ang inilagay sa labas para pambugaw.

"Please, Mandy."

Paano nito nalaman ang pangalan ko?

Nginuso niya 'yung ID ko. Eh 'yung kanya kaya? Cute siya...

"Sali ka muna para makilala mo 'ko."

Tinakpan pa akala mo naman gustung-gusto ko malaman! Ganito ba talaga ang mga gwapo? Akala nila gusto lagi silang makilala ng mga babae?

Tsk.

Ang gwapo niya ngumiti!

"Sige na nga. Anong club ba 'to? Hindi ako sasali dahil sa 'yo, ah."

Makatawa naman siya, wagas. Mukha siyang anghel pero mukhang nasapian siya ni Taning dahil sa paraan ng ang pagtawa niya.

"Ayan oh,"

Sorry naman po at hindi ko muna binasa ang nasa desk nila.

'Journalism Club.'

Ang boring. Hindi man lang ginawang nakakaengganyo ang pangalan. Tinamad lang mag-isip?

"Alam ko ang nasa isip mo."

Ako na ang napapagod ang pisngi para sa kanya dahil hindi man lang bumaba ang labi niya sa pagngiti.

"Baka naman mapunit na ang labi mo diyan."

"Nope. I always smile."

Mukha nga. Sasali na nga ako para matapos na.

Mukha akong ewan dito sa school ID ko. Ano ba 'yan. Parang hindi ako pinapakain! Bakit sobrang payat ko naman ata! Nakakaloka.

Kamusta na kaya siya? Matamis pa rin kaya siya ngumiti?

Malakas pa rin kaya siya tumawa?

"Hey!"

"Bushak!"

"Para kang kuting!"

Ayan na naman ang tawa niya. Medyo nakakaasar na.

"Yeah, let's go." May pagpunas pa siya ng luha. Buti hindi siya nabilaukan sa pagtawa niya.

"...It's ok not to work hard."

"Bakit naman?"

"Gawa-gawa lang ang club natin."

"Seryoso ka ba? Nakasalalay ang grade ko sa Filipino rito."

"No it's not. Sinasabi lang ng teacher mo 'yun para galingan mo."

"Gagalingan ko naman talaga!"

"Good girl..."

"Ano ba!" Ang tagal kong pinuyod 'tong buhok ko!

Kanina pa kami naglalakad.

"Ang layo naman pala nu'ng club room?"

Naglakad pa kami. Bakit parang umikot lang kami?

"We're here."

"Ano?!" Sa may likod lang pala ng classroom namin!

Hilig niya siguro man-trip! Dapat siguro lumalayo na ako sa kanya!

Mapautot sana siya kakatawa!

Eh bakit ko ba siya inaalala. Panigurado, hindi niya ako naalala. Mukha siyang masaya eh.

🖤🖤🖤

without meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon