"Bakit ka pumayag! Crush mo siya, 'di ba?"
"Penelope!" Ang sakit ng hampas niya! "Hindi ko na siya crush! Ayoko maging kabit."
"Baliw ka! Hindi pa naman sila mag-asawa!"
"Ih... turn-off na ako. Hanap na lang ako ng ibang crush..."
"Teka, si Edrick ba 'yun?"
Hindi nga siya nagbibiro nu'ng sinabi niya na kailangan niya ng pera.
Mukhang siya ang ipinunta ng mga babaeng customer sa coffee shop.
"Puntahan ba natin?"
"Huwag na, baka maistorbo pa natin."
Hala! Nakita niya ata kami!
"Tera na sa palengke, Penelope!"
"Saglit lang! Sinisilayan ko 'yung kasama niya!"
Ang guwapo nga ng katrabaho ni Edrick.
Tuluyan na nga niya kaming nakita.
Luh, kumaway pa!
"Ayan na ang new crush mo!"
"Pwede ba, Penelope? Mag-focus tayo sa pag-aaral."
"Ang KJ mo talaga!"
"Tsaka hindi ko siya type, 'no!"
"Talaga ba?"
"Talaga!"
"Pero sobrang guwapo niya, 'no?"
"Oo nga..."
"Huli! 'Pag nagkakabistuhan na, ba't umieching pa?"
"Mukha kang engot diyan, Penelope."
Maiwanan na nga 'tong babae na 'to. Hindi ko nga type ang mokong na 'yun! Babaero siya! Chicboy-
"Ay playboy ka!"
Pa'no naman napunta ang lalaki na 'to dito?
"Umiinom kang kape?"
Mukhang hindi naman siya na-offend sa nasambit ko...
"Mandy naman! Ang bilis mo maglakad!" Alam ko ang ganyang tingin niya! "Waw ang effort naman po ni koya tumawid."
Patay siya sa 'kin mamaya! "Hindi ka ba pagagalitan ng boss mo?" Mahirap na!
"Nah. Out ko na. Here."
Mukhang masarap 'yung cupcakes!
"My thank you gift." Hindi ko talaga ide-deny na guwapo siya. Lalo na kapag nakangiti.
"Hala, h'wag na. Gumastos ka pa, hindi na naman kailangan."
"Nako, girl. Akin na lang kung ayaw-"
"Libre lang 'yan kasi employee of the month ako." Bakit ba siya ngiti nang ngiti? Hala... erase, erase.
"Gusto ko na pala. Salamat, Edrick."
"Hatid ko na kayo."
"Huwag na, pagod ka sa trabaho. Salamat talaga rito."
**********