A letter for 'K' (One Shot)

52 2 2
                                    

Dear K,

Hi! Tama bang "Hi" ang bungad ko sayo? Haha nakakatawa lang. Ano bang pake mo diba? Hindi mo naman 'to mababasa eh. Natatawa ngako sa sarili ko ngayon kung bakit ko pa sinusulat 'to. Eh wala naman akong balak ibigay pa 'to sayo. Make sense? Haha. Wala lang, bigla kase kitang naalala eh. No scratch that. Mali pala. Actually every single day of my life naaalala kita. Pero hanggang dun nalang yun diba? Kaya dito ko nalang ilalabas lahat ng gustong sabihin ng puso ko. Wala ka namang magagawa kung namimiss kita diba.

Kumusta kana kaya ngayon? Siguro masaya kana noh? Sana nga masaya kana. Haaaayst. Sorry ah? Tama pa ba 'tong nararamdaman ko? Namimiss kase talaga kita eh. Kahit alam kong hindi na dapat. Tama nga ang sabi nila na, malalaman mo lang ang tunay na halaga ng isang tao. Sa oras na mawala na ito sayo. K, Tanga ba talaga ako? HAHA maybe yes, maybe no. The hell they care?

It's been a while na din pala noh? Hahaha One & half year narin ang nakakalipas simula ng magkakilala tayo. Grabe, para kang magnet, K. Di kase kita makalimutan eh. Ang dami mong iniwang marka sa buhay ko. Di mo man lang nilinis bago ka umalis. Haha Kasalanan ko naman kase diba? Tanga ko daw kase eh. Kaya ngayon muka akong ewan na sinusulat ko pa 'to. Nonsense din nman. But who cares? Ang bigat na kase eh. Wala akong mapagsabihan. Ikaw lang naman nakakaintindi sakin eh. Ikaw lang. Pero ngayon, wala na. Wala ng kayang umintindi sakin. Saan kana ba kasi? Kailan kaba babalik? Babalik kapa ba? Hahaha watta question right? Siguro kung mamababasa mo 'to sasabihin mo siguro na ang kapal ng muka ko. Para itanong pa sayo kung kailan ka babalik. Haha

Naalala ko pa ang unang beses nating pagkikita. Grabe muka akong galing gyera nun diba? Kakahiya! Alalang alala ko pa din yun lahat. Ikaw kaya naaalala mo pa kaya yung....

Nakasalubong ko kayo ni Anika sa overpass. Akala ko nga nung una di kayo magkakilala eh. Hindi kase halatang magkasama kayo. Para kayong magjowa na may LQ that time. Kung hindi pa kami nagyakap ng sobrang tagal ni Anika eh hindi ka nman lalapit samin eh. Bakit parang ang sungit mo that time? Haha Daig mo pa may PMS. Nairita ka siguro samin dahil parang hindi kami nagkikita ni Anika kung magyakapan kami sobrang wagas. Well, ganun talaga siguro pag sobrang close nyo na. Naalala ko pa nung pinakilala na tayo ni Anika sa isa't isa. Sabi pa nga niya sakin...

"Uy be! Si Kerwin nga pala, churchmate ko." Magaling tumugtog ng guitara yan. NGSB pa! Bulong pa ni Anika sakin. Nag 'Hi' kalang nun tas ngumiti kaso pilit tsong eh! Hurt hurt </3 Pero okay lang di naman kita type una palang eh. Char! Sobrang daldal namin ni Anika nung mga oras na yon. Pero ikaw busy kakatingin sa relo at phone mo. Kaya ako nalang mismo ang nagputol sa usapan namin ni Anika. Halata kasing nagmamadali ka eh. Hindi kalang talaga makapalag sakanya. Haaaaayst tanda ko pa diba? Kung hindi dahil sa kaibigan nating yun. Ayy nako for sure hindi kita kilala siguro ngayon. At malamang sa alamang, wala sana akong masususlat na ganito diba? Haha Pero naniniwala naman kasi akong, Everything happens for a reason.

San kana kaya ngayon, K? Okay kalang ba dyan? Naalala mo pa kaya yung unang beses kang nagtext sakin? Hahaha kunware kapa eh noh?! Sus crush mo lang ako eh hayuuuuf! Nang dahil na nman sa gagang si Anika haaaayst nagkakilala tayo ng lubusan. Pero diko naman pinagsisisihan yun. Yung simpleng "Good morning" na mauuwi sa mahabang usapan?!! Tandang tanda ko pa yun, K! Haaaaaayst kamiss Lang, char!

Alam mo bang di nagtagal ikaw na ang naging dahilan kung bakit ako nagpapaload?!! Excited kase akong sagutin ng "bakit?" ang lahat ng korny mong pick up lines. Grabe, para nung una nating pagkikita ang sungit sungit mo. Hindi ko naman inakala na ganyan ka pala ka kulit. Sobrang close natin sa text. Eh sa personal kaya? Ganito ba din kaya tayo? Yan lagi kong tanong sa sarili ko non. Siguro Oo, maybe hindi. Haha pero di na mahalaga yun. Tapos na naman kase diba? Wala na diba?

A letter for 'K' (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon